CHAPTER 12

232K 7.5K 3.4K
                                    

Mag-a-alas dose na ng gabi ngunit wala pa rin si Valjerome. Umalis siya kanina pagkatapos niyang magwala sa salas. Madalas siyang nagagalit noon pero ito ang unang beses na umakto siya ng ganito kaya naman hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya.

Sa hindi mabilang na pagkakataon, muli akong kumilos sa aking pagkakahiga. Napabuntonghininga ako habang nakikitig sa kisame, hindi ko alam kung sa pag-aalala ko ba kaya hindi ako makatulog o dahil masyado ko nang nakasanayan na katabi siya.

Sa loob nang mahigit isang buwan na nagkakalapit kaming dalawa ay sa kwarto ko na siya natutulog. Gustuhin ko mang kwestyuhin ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at naging masaya na lamang sa mga ginagawa niya.

Maybe he's trying to fix our marriage, but he doesn't have the guts to tell me.

Nang hindi pa rin ako dalawin ng antok ay napagdesisyunan kong bumangon at magpunta sa kusina para uminom.

"Hmmm... ano pa ba'ng mayroon dito?" bulong na anas ko habang tinitingnan ang laman ng ref.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang tatlong tauhan na nakapaligid sa kusina. Hindi ko maiwasan na umirap dahil kung umakto sila ay para bang may susulpot na bala mula kung saan at tatamang bigla sa akin.

Natutulog din ba sila?

Sa paghahanap ko ng pagkain sa ref ay nauwi ako sa pagngatngat ng ice cube. I don't know why, but I like the idea of chewing something cold.

"Hija," nagugulat na wika ni Manang nang lumabas siya mula sa maid's chamber.

Alanganin akong ngumiti saka tumango. Hindi ako makaimik dahil puno ng yelo ang bibig ko.

"Bakit gising ka pa? Nagugutom ka ba? Sana ay tinawag mo kami para maipagluto ka," sunud-sunod niyang saad at mabilis akong dinaluhan.

Nginuya ko muna ang natitirang yelo sa 'king bibig at saka ngumiti kay Manang. "Ayos lang po. Hindi naman po ako nagugutom, nauhaw lang po ako kaya ako bumaba. Bumalik na po kayo sa inyong pagtulog."

"Sigurado ka?" naninimbang na usisa ni Manang at napatingin sa hawak kong molder ng ice cube. "Hindi ka ba nangingilo riyan?" Ngumiwi sa akin ang matanda.

I chuckled and took another ice. I tried to speak 'hindi po', but my words were muffled.

Mahina akong hinampas ni Manang sa balikat. "Ikaw talagang bata ka, kung naiinitan ka ay maligo ka na lang. Mamaya magka-tonsilitis ka pa riyan."

Awtomatiko akong napangiwi. Naiisip ko pa lang na dadaloy ang tubig sa katawan ko ay puno na ng pagkadisgusto ang dibdib ko.

Ayaw kong maligo.

"Ay sige. Maiwan na kita, ako'y tutuloy muna sa pagbabanyo. Umakyat ka na rin sa 'yong silid pagkatapos mo riyan," bilin niya.

Isang tipid na tango at ngiti lang naman ang itinugon ko saka niya ako tinalikuran. I was about to take another ice when I heard Valjerome's car. Nabuhayan ako kahit papaano kaya dali-dali kong ibinalik ang molder na may yelo sa ref at asta siyang sasalubungin.

Naglalakad na ako patungo sa salas nang bumukas ang pinto. Natigilan ako sa pagkilos nang nakita si Valjerome kasama ang isang babae.

"V-Val," utal na tawag ko sa kanyang pangalan sandaling nagtama ang paningin naming dalawa.

Malamig niya akong tinitigan. "What?" walang gana niyang tanong.

"B-Bakit may kasama ka?" lakas loob kong usisa habang pilit na nakangiti, umaasa na hindi tama ang iniisip ko.

Tumaas ang isang kilay niya. "Why are you asking?" balik na tanong ni Valjerome.

"Because... I am your wife," pahina kong sambit sa huli.

Malakas na tumawa si Valjerome at saka ipinulupot ang kanyang kamay sa bewang ng babae na kasama niya. "Asawa lang kita sa papel, Jazzie. Hanggang doon lang iyon," aniya.

Hindi ko napigilang magalit kaya naman mabilis akong naglakad palapit sa kanya at ginawaran siya nang malakas na sampal. I saw how his face went to the side because of my slap.

"How dare you? Ano 'yong mga pinakita mo sa 'kin nitong nakaraan? Ano 'yong mga pakitungo mo sa akin, Val?" paglalakas loob kong tanong.

He smirked and slowly glanced at me. "Palabas lang ang lahat ng iyon. Gusto ko lang maikama ka ulit pero hindi nangyayari kaya nagsawa na ako."

Hindi ako nakakilos. Tila punyal na paulit-ulit na bumabaon sa dibdib ko ang mga sinabi niya.

"Let's go," pagkausap niya sa babaeng kasama saka sila sabay na nagtungo sa hagdanan.

Sandali pang sumulyap sa akin ang babae at inismiran ako. Inilapit niya pa ang kanyang mukha sa leeg ng asawa ko habang umaakyat sila paitaas. Sa halip na pansinin iyon ay itinuon ko ang atensyon ko kay Valjerome. Umaasa na lilingunin niya ako, na babalikan niya ako, na susuyuin niya ako. Ngunit hindi iyon nangyari hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

What happened?

Pagak akong tumawa at napahilamos sa 'king mukha. Ang gilid ng mga mata ko ay unti-unting namasa habang inaalala ang walang buhay na tingin sa akin ni Valjerome, idagdag pa ang masasakit na salitang binitiwan niya.

"Did I just wake up from my dream?" I murmured and let my tears streamed down on my cheeks.

"Hija?" tawag ni Manang mula sa likuran ko.

Hindi ko siya nagawang lingunin hanggang sa tuluyan na siyang nakarating sa harapan ko.

"Ano'ng nangyari? Dumating na ba ang asawa mo?" mahinahon niyang tanong habang inaayos ang buhok ko.

Pilit akong ngumiti sa kabila nang pagpatak ng mga luha ko. "Pwede po ba akong tumabi sa inyo?"

Banayad akong tiningnan ni Manang saka ako niyakap. "Nagdala na naman ba ng babae ang asawa mo?" bulong niya.

I just nodded my head and silently cried on her shoulder.

"Sshh. Tahan na, halika na. Matulog na tayo," pag-aalo sa akin ng matanda at saka ako maingat na inalalayan patungo sa kanilang chamber.

Tulog na ang mga kasamahan na katulong ni Manang nang pumasok kami sa silid. Dinala niya ako papunta sa kanyang kama saka ako marahan na pinahiga.

"Magiging maayos din ang lahat, anak," muli niyang pag-alo sa 'kin.

Sinubukan kong ngumiti ngunit mas naunang tumulo ang mga luha ko. "Sana nga po," pumipiyok kong sambit.

Bumuntonghininga si Manang at hinaplos ang buhok ko. "Matulog ka na," aniya.

Hindi ako sumagot at ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Pilit kong inalis lahat ng sakit na nararamdaman ko at itinuon na lang sa paghaplos ni Manang sa 'king buhok ang atensyon.

Sana... sana magising ulit ako sa isang panaginip.

But all my hopes died because that didn't happen. Tulad noon, nag-uuwi ulit si Valjerome ng babae sa bahay namin at nakikipagsiping sa kanila. Hindi na siya muling natulog sa kwarto ko, hindi na siya nakikipag-usap sa akin kung hindi kailangan, hindi na siya... ang Valjerome na nakasama ko sa loob ng isang buwan.

Again, the ruthless mafia boss came back.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now