CHAPTER 13

230K 7.4K 2.7K
                                    

"Ang unfair din pala," bulong ni Azy likuran habang plinaplantsa ng stylist ang buhok ko.

Tiningnan ko siya at pinagtaasan ng kilay mula sa repleksyon ng salamin.

"Kapag kami stress, mukhang pangbardagulan ang mukha namin. Pero kapag tulad mong maganda, isang pahid lang ng foundation, kaboom! Dyosa na ulit," he stated.

Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Isa na naman ito sa mga araw kung saan pupunahin niya ako nang pupunahin.

"Okay ka lang?" usisa niya, naroon ang pag-aalala at kaseryosohan sa kanyang tono habang nakatitig sa akin mula sa salamin.

I forced a smile. Okay ba ako?

"Yeah," tipid kong sagot.

It's been two weeks since that argument.

Mukha namang hindi siya naniwala roon, ngunit hindi na rin nang-usisa pa.

"Ahmm. Will he... pick you up?" tanong niya kapagkuwan.

I didn't speak for a second. Dalawang linggo na akong parang hangin kay Valjerome. Hindi na niya ako sinusundo o pinupuntahan sa tuwing may photo shoot ako, 'di tulad nang ginagawa niya no'ng nakaraan. Maski sa bahay ay ramdam ko ang pag-iwas niya na magtagpo kaming dalawa.

Pasimple akong bumuntonghininga at pilit na ngumiti. "He's busy. May inaasikaso siya sa kumpanya," I answered.

It was half meant actually. Busy naman talaga siya, iyon nga lang sa mga babae niya.

Tumango lang ang manager ko at hindi na umimik pa. Tanging mga galaw lang ng stylist ko ang naririnig sa loob ng dressing room. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong napansin niya rin ang kaibahan ko nitong mga nakaraan.

"Azy?" I called his attention.

He looked at me and waited for my continuation. Iniiwas ko ang aking paningin at nakagat ang ibaba kong labi.

"Si Chaos..." I started. "Tumawag o nag-message ba siya sa 'yo?" I added.

Nanlaki ang kanyang mata at umawang ang labi niya pagkatapos kong itanong iyon. Hindi na ako nagtataka pa dahil talaga namang nakapaninibago ang pagbi-bring up ko sa lalaking iyon.

"Hindi," tugon ni Azy nang nakabawi sa pagkakabigla.

"May... naiwan ba siyang calling card or something na pupwede kong magamit para matawagan siya?" alangan kong usisa.

Azy raised his left brow and crossed his arms. "Jazzie, seriously what's your plan?"

I bit my lip and lowered my head. Nilaro ko ang mga daliri ko at saka muling inangat ang paningin sa repleksyon ng salamin.

"I want to do a shoot with him again."

This time Azy's jaw literally dropped.

"Make an appointment," walang emosyon kong wika saka tumayo.

Nagsimula akong maglakad hanggang sa tumigil ako sa tapat ng pintuan. I glanced at my manager and forced a smile.

"Kahit libre gagawin ko basta magka-shoot lang kaming dalawa," I said and turned my back against them.

Kung sa ganitong paraan ko muling makukuha ang atensyon ng asawa ko, kakayanin kong makipagtrabaho sa taong iyon.

TULAD ng normal kong photo shoot, umakto ako sa bawat pose na gusto ng photographer. Wala man ako sa mood ay pinanatili ko ang pagiging propesyunal ko sa trabaho. After all, modeling is one of my breathing space. Hindi ko rin alam kung bakit pero gustung-gusto ko talaga ang pagmomodelo. Maybe because I see my worth as a girl. Sa bawat magagandang litrato ko, sa bawat rampa ko, ramdam ko ang paghanga ng ilan sa akin. Bagay na hindi ko nakukuha sa asawa ko.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon