CHAPTER 15

251K 8.3K 4.7K
                                    

Naalimpungatan ako sa isang marahan na haplos sa aking pisngi. Nanatili man akong nakapikit ay alam kong presensya ni Valjerome ang nasa gilid ko base pa lang sa pinaghalong amoy ng alak at pabango na mula sa kanya.

He didn't speak. He just kept stroking my face as if he's memorizing every part of it.

Gustuhin ko man na magalit sa kanya ay mas kinakain ako ng panghihina. Ano ba'ng magagawa ng galit ko?

I stiffened when I felt him crouched on my belly. Ipinatong niya ang kanyang ulo ro'n saka marahan na hinaplos ang aking tiyan. Pasimple kong kinagat ang dila ko at pilit na pinigilan ang nagbabadya kong luha.

Gusto kong maniwala na nakukunsensya siya. Gusto kong maniwala sa ikinikilos niya ngayon.

Pero alam ko na sarili ko lang ang niloloko ko.

Nanatili si Valjerome sa kanyang posisyon sa loob ng ilang minuto hanggang sa mabagal siyang lumayo sa akin. Naramdaman ko ang kanyang pagtayo at saka niya ako maingat na kinarga. Nagsimula siyang maglakad patungo kung saan.

Wala akong ideya kung saan niya ako dadalahin, ang alam ko lang ay lumabas kami sa maid's chamber base sa tunog nang pagsara ng pinto.

I remained my eyes closed despite being aware of everything. Pakiramdam ko ay maraming maiiba sandaling imulat ko ang aking mga mata.

Few minutes later, we entered a room. Alam kong kwarto ko iyon dahil pamilyar na ako sa amoy ng aking silid. Sandali pa siyang naglakad hanggang sa maingat niya akong inihiga sa aking kama.

Tulad kanina ay masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. Dalawang beses niya iyong ginawa hanggang sa naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Slowly, his hands crept into my waist, hugging me tightly as if someone's gonna steal me away.

Illusions. This was just my illusions.

Nanatili siyang nakayakap sa akin, nakasiksik ang ulo sa bandang balikat ko kagaya ng normal na ginagawa niya noong nakaraang buwan.

Mula sa mabibigat niyang paghinga ay unti-unti iyong kumalma, senyales ng kanyang pagtulog. Sandali ko pa siyang pinakiramdaman saka ko marahan na iminulat ang aking mga mata.

I carefully moved my head to his direction. Mapait akong ngumiti nang nakita ko ang maamong mukha ni Valjerome.

He seemed stressed, but still handsome.

"You're making me confused again," I murmured and lifted my hand to touch his face.

I breathed deeply and forced a smile. "A-are you... happy?" My voice trembled.

Hindi ko na napigilan pang mapaluha habang inaaalala ang anak naming dalawa. Gusto kong isipin na hindi pa siya handa para doon kaya pilit niya iyong ipinatanggal sa akin. Pero malinaw pa sa tubig ang binitawan niyang salita kanina.

Ayaw niyang magkaanak sa akin.

Pagak akong tumawa at saka pumikit. Pinipigilan ang sarili ko na mapahagulhol upang hindi siya magising.

'Just this time, again. Susugal ako.' I mentally noted and hugged my husband back.

Maybe. Just maybe. We can work this out this time.




EARLY in the morning, I woke up with an empty bed. Mapait akong ngumiti at napatitig na lang sa kisame.

It's still the same. Nothing's changed.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon