CHAPTER 46

218K 7.9K 5.1K
                                    

"Please, Mommy," Erom pleaded for the nth time.

"Jace Erom," I called with a warning tone.

Napanguso siya at tumungo. Nandito na kami ngayon sa silid, naghahanda para sa aming pagtulog nang mangungulit siya sa akin na tawagin ang kanyang ama at patulugin sa tabi namin.

Bumuntonghininga ako nang nakita ko ang pagpanglaw ng mga mata niya bagamat hindi siya nakatingin sa akin. Umusod ako saka siya maingat na hinawakan sa kanyang panga para itunghay ang mukha niya.

"Anak," banayad kong sambit. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Alam kong gusto mong makasama ang Daddy mo sa bawat oras pero... Erom, kasi... hindi kami mag-asawa ng Daddy mo. Hindi ko alam kung maiintindihan mo ito pero hindi kami dapat magtabi," mabagal na paliwanag ko.

"Why? I mean... we are family," he said.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at saka siya hinila para yakapin. "Yes, he is your father. I am your mother and you are our son, but... Erom, we already separated six years ago. Oo, isa tayong pamilya. Pero may mga bagay na nalagyan na ng limitasyon ngayon. Mahirap intindihin sa mura mong edad, balang araw maiintindihan mo rin ang lahat."

"Can't you... be with each other again, Mommy?" he asked, there was an evident hope in his tone.

Hindi naman ako agad nakasagot, hindi dahil hindi ko alam ang sasabihin kundi dahil ayaw kong masaktan pa ang anak ko.

"Just enjoy your time with your father, Erom. Iyon na lang muna ang isipin mo, anak."

Marahan naman siyang tumango at saka yumakap pabalik sa akin. "I want to stay with Daddy," he murmured. "But... I don't want to hurt you, Mom."

I stiffened from my place. Slowly, Erom broke off from our hug and looked at me. He gave me a soft smile and tried to touch my face with his tiny hand.

"I felt it, Mommy. I can clearly see how hurt you are every time you meet Daddy's eyes," he stated.

"E-Erom," utal na sambit ko, nagugulat at namamangha sa talas ng pakiramdam niya.

Muli ay nginitian niya ako ng tipid. "Thank you for letting me with him, Mom. Don't worry po, just give me few more days na lang, Mommy," aniya na para bang nakikipagnegosyo.

Napailing ako at huminga nang malalim. "Erom," usal ko at saka hinaplos ang kanyang mukha. "Hindi mo ako kailangang intindihin, anak. Pwede tayong manatili rito kung hanggang kailan mo gusto, 'wag mong isipin si Mommy. Matanda na ako, kaya kong i-handle ang sitwasyon," pagpapalubagloob ko.

"But..." he trailed off and lowered his gaze. "I want to stay forever with Dad, Mommy. I want us to stay here... always," he said softly.

Natigil ang kamay ko sa ere nang narinig iyon mula sa anak ko. Hindi ko maiwasan na masaktan para sa kanya. Hindi na lang ako umimik at niyakap siyang muli.

"I-I... will call your Dad. Let's..." I swallowed the lump in my throat. "Sleep together," I whispered.


DAIG ko pa ang isang bangkay na nakahiga sa lumipas na isang oras. Hindi ako makaibo o makamulat man lang habang nakaharap sa anak ko. Sa kabila nang malaking silid na pinaglalagakan namin ay pakiramdam ko'y nakikipag-agawan ako ng hangin sa paligid.

Damn!

Pagmumura ko sa 'king isip nang ipatong na naman ni Erom ang kamay ko sa tiyan niya kung saan naroon din ang kamay ni Valjerome.

"Mommy, 'wag ka pong malikot. I'm sleeping," Erom murmured.

Gusto kong tutulan siya. 'Anak, paanong 'wag malikot pa ba? Kulang na lang ay huwag akong huminga para hindi makagawa ng anumang ingay.'

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ