CHAPTER 20

247K 8.4K 3K
                                    

"Wala ka pong work, Mommy?" usisa ni Erom sa kalagitnaan nang panunuod namin ng cartoons.

Tipid akong ngumiti sa kanya saka marahan na hinaplos ang munti niyang mukha. "I took a leave," I answered.

Ito ang pangalawang araw na hindi ako pumasok ng trabaho. Agad akong nagsabi ng sick leave sa head manager namin no'ng nakaraan pagkatapos kong silipin ang record ni Valjerome sa logbook. Dalawang araw ang nakalagay na check in days niya sa hotel kaya nasisigurado kong wala na siya bukas na bukas din.

"Mom," Erom called that caught my attention.

"Yes, my prince?"

Ang kanina niyang paningin na nakatuon sa akin ay unti-unting naglikot. "Can I stay with you during weekends, Mom?" pahina niyang sambit.

Natigilan naman ako at hindi agad nakaimik. Nakatitig lang ako sa anak ko na tila hindi makatingin sa akin nang maayos.

"May problema ba, anak? Ayaw mo ba sa kumpanya ni Papa mo?" mahinahon kong usisa at umusod ng upo palapit sa kanya.

He glanced at me for a while then averted his eyes again. Nilaro niya ang kanyang mga daliri saka muling tumingin sa akin.

"I felt like... they are always talking about me, Mom," he murmured.

Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "Who?"

I saw Erom bit his lower lip as if he's struggling to tell me the truth. "Papa's workers," he answered then looked at me. "Pakiramdam ko po pinag-uusapan nila ako kapag kasama ako ni Papa sa office."

"P-Paano mo naman nasabi, anak?" nagugulat man ay banayad ko pa rin siyang kinausap.

"Their eyes..." he trailed off. "It's like they're judging me," he added.

Parang kinurot ang puso ko habang nakikita ang namumungay na mga mata ng anak ko. Pakiramdam ko ay gusto kong manugod ng wala sa oras ngunit alam ko rin, naiintindihan ko kung bakit gano'n umakto ang mga empleyado ni Chaos.

He's single. Pagkatapos ay magdadala siya ng bata sa opisina na tatawag sa kanya ng Papa. Who wouldn't talk about that?

Pero sana naman hindi nila ipinahalata sa anak ko.

"Please, don't tell Papa, Mom. He might fire them," nakanguso ani ni Erom.

Hindi ko naiwasan na matawa ng kaunti sa sinabi niya. He really knew Chaos' behaviour. Hindi ko tuloy napigilang isipin... paano kung si Chaos talaga ang naging tatay ng anak ko? Will I face the same problem?

But I knew, it's impossible. What I have with Chaos was pure friendship and I treasure that.

"Hmmm. It's a good idea isn't it? Wala nang titingin sa iyo ng gano'n," kunwaring pagtanggi ko sa gusto niyang mangyari.

"Mom!" agad na wika niya na puno ng pagtutol.

Natawa na lang ako saka siya niyakap. "Okay, you'll be with me during weekends. Pero mag-i-stay ka pa rin kay Papa mo tuwing weekdays since siya ang nagpapasundo sa 'yo," saad ko.

He nodded and hugged me back. "Thank you, Mommy."

"Para sa 'yo, anak. Kahit ano," bulong na saad ko at hinalikan ang kanyang ulo.

Nasa gano'n kaming sitwasyon nang bumukas ang pinto. Unti-unting pumasok si Chaos at agad na nangunot ang kanyang noo nang nadatnan kami ni Erom.

"Bakit hindi ako kasama sa hug na 'yan?" kunwaring nagtatampo niyang wika.

"Papa!" Erom shouted and ran to him.

Agad siyang kinarga ni Chaos at hinalikan sa noo. "How's my son?" he asked.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα