CHAPTER 54

232K 6.9K 5.6K
                                    

"Papa!" galak na pagtawag ni Erom kay Chaos pagkapasok namin ng opisina niya.

He ran into Chaos and gave him a hug. Natawa naman si Chaos at yumakap pabalik kay Erom. Napangiti na lang din ako saka mabagal na naglakad palapit sa kanila.

Damn, it hurts.

That insatiable Mafia Boss!

"Did you miss me?" tanong ni Chaos habang karga si Erom sa hita niya.

Mabilis namang tumango si Erom bilang tugon at saka siya pinatakan ng isang halik sa pisngi.

"How are you po, Papa?" pangangamusta ng anak ko.

I sat on the visitor's chair and watched them talked. Wala sa sarili akong napatitig kay Chaos nang naalala ko ang sinabi ni Valjerome kaninang madaling araw.

Anak siya sa labas?

Sa anim na taon na nagkasama kami ni Chaos, hindi niya kailanman nabanggit ang tungkol doon. Maski ang pamilya niya ay hindi niya rin palaging nakukwento sa akin. Minsan ko silang nakaharap noong nagkaroon ng salu-salo sa condo ni Chaos, at sa unang pagkikita pa lang namin ay ramdam ko na pagtutol sa kanilang mga mata. Naiintindihan ko naman iyon dahil si Chaos ang itinuturing na tatay ng anak ko, marahil ay iniisip nilang sinisira ko ang kinabukasan ng anak nila.

"You okay?"

Naagaw ni Chaos ang atensyon ko nang magsalita siya sa harapan ko. Pilit akong ngumiti at saka tumango.

"Mukhang busy ka," puna ko sabay tingin sa patong-patong na papeles sa gilid ng lamesa niya.

He sighed. "Oo nga, eh. Medyo natambakan this past few days," aniya.

I hummed and awkwardly tapped my fingers on his desk. "Ahmm. Chaos?" I uttered, a little bit nervous.

Mabilis naman na natuon sa akin ang kanyang paningin, naghihintay nang idudugtong ko.

Napalunok ako at saka tumikhim para tanggalin ang namumuong bara sa 'king lalamunan. "Can we talk?" kaswal kong tanong.

Saglit siyang tumitig sa akin at tumango. Binalingan niya ang tingin si Erom at saka marahan na ginulo ang buhok nito.

"You stay here muna, okay? May pag-uusapan lang kami ni Mommy mo," pagkausap niya sa anak ko.

"Okay po, Papa. Take your time," tugon ni Erom.

Tipid na ngumiti si Chaos at saka pinatakan ng halik sa noo si Erom. Pagkatapos niyon ay tumayo siya sa kanyang swivel chair at doon pinaupong mag-isa ang anak ko. 

"Let's go," yaya niya sa akin. "Doon tayo sa pantry area," dagdag niya.

I just nodded my head and carefully stood up from my seat. Palihim pa akong napangiwi nang naramdaman ang bahagyang pagkirot ng kaselanan ko.

"Okay ka lang?" nakaalalay na tanong ni Chaos.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Hindi man alam ni Chaos ang dahilan nang maingat kong paggalaw ay hindi ko maiwasan na mahiya.

"I'm fine, medyo masakit lang ang katawan ko. Nagkamali 'ata ako ng puwesto sa paghiga," pagsisinungaling ko.

"Kaya mo bang lumakad?" usisa niya.

"Oo. Kaya ko naman 'wag ka mag-alala. Let's go?" I invited and glanced at Erom, I gave him a small smile. "Dito ka lang muna, anak. Madali lang si Mommy at Papa," ani ko.

"Sige po, Mommy," magalang na sambit niya.

Naunang naglakad si Chaos na agad ko ring sinundan. Habang tinatahak namin ang daan patungo sa pantry area ay hindi ko maiwasang kabahan. Nakokonsensya rin ako dahil mas nauna ko pang ibigay ang sarili ko kay Valjerome kaysa patigilin siya sa panliligaw sa akin. Hindi man sinasadya ay nagmukha akong manloloko... isang paasa.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now