CHAPTER 31

246K 8.7K 3.9K
                                    

"Can I have this too?" Erom asked while holding a chess board.

Bilang isang tipikal na bata ay puno ng galak na pumili ng mga laruan si Erom sandaling pumasok kami ng toy section. Valjerome assured him that he'll give him everything for free—or should I say, a hug in exchange.

Noon pa man ay naibibigay ko na kay Erom ang mga bagay na nagugustuhan niya, pero hindi siya kailanman humingi ng sobra. Marahil ay alam niya rin 'yong hirap ko sa pagtatrabaho. Si Chaos naman ay pinapasalubungan lamang siya ng laruan sa tuwing napapadaan siya ng mall, hindi niya kailanman naipasyal si Erom tulad ng ganito dahil na rin sa pagiging busy sa trabaho.

"Anything you want," Valjerome answered.

Abot tainga siyang nginitian ng anak ko saka muling naglakad sa mga nakahilerang laruan kung saan naroon ang mga medium size robot. Agad naman siyang sinundan ni Valjerome, nakamasid habang may kaunting ngiti sa kanyang labi.

Umiwas na lang ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay mag-iinit na naman ang sulok ng aking mga mata. Nagpaiwan ako sa pwesto ko at hinayaan silang makadistansya sa 'kin. Dahil na rin sa pagiging abala ay hindi na nila ako napansin pa.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at nakagat ang ibaba kong labi sandaling natigil ang mga mata ko sa pwesto ng mga manika. Wala sa sarili akong naglakad patungo ro'n at marahan na hinaplos ang mga kahon na naglalaman ng laruan.

Hindi ko maiwasang isipin na kung sakaling nabuhay ang kakambal ng anak ko. Babae ba siya o lalaki? Fraternal ba sila o identical? Magiging magkakampi ba sila o magkaaway?

Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan ko saka nagbuntonghininga nang naalala ang nakaraan.

I was at my 4th month of pregnancy that time. Hindi ko maiwasan na maiyak pa rin sa tuwing naiisip ang mga nangyari sa pagsasama namin ni Valjerome. Gustuhin ko man na matulog ay hindi ko magawa sa sobrang pag-o-overthink. Anuman ang gawin kong pagpapakalma sa sarili ko ay paulit-ulit pa rin akong nasasaktan at natatakot sa sitwasyon na kinakaharap ko no'ng panahon na iyon.

It was past midnight when I felt an excruciating pain on my belly. Puno man ng kaba ay pinilit kong kumilos para lumabas ng condo ko at humingi ng tulong kay Chaos. I was in front of his unit, constantly pressing his door bell, when a hot liquid streamed down on my leg.

No... no... this can't be...

Mariin akong napapikit at nangangatal na napatuon sa pintuan ng bahay ni Chaos. I don't want to look on it. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sandaling makumpirma ko ang likido na dumadaloy paibaba sa 'king binti.

"Jazzie!" Tuluyan na akong nabuwal sandaling bumukas ang pinto.

Bago pa man ako bumagsak sa sahig ay nasalo na ako ni Chaos. Doon ay hindi ko na naiwasan pang umiyak habang nakakapit sa kanya.

"A-Ang mga anak ko... Chaos, ang mga anak ko," iyon na lang ang nasambit ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

The next morning was my worst day. Nakunan ako. Namatay ang isa sa dinadala ko. Gustuhin ko mang matuwa dahil hindi lahat kinuha sa 'kin ay hindi ko maiwasan na mas makaramdam ng sakit at pagkabigo. I also blamed myself for what happened. Kung mas naging matatag ako, hindi mangyayari ang lahat.

Para akong baliw sa sumunod na mga araw. Kinailangan kong mag-undergo sa isang therapy nang naka-recover na ako mula sa miscarriage para maging maayos ulit ang mental health ko. I tried my best to be okay, fortunately, I did it.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now