CHAPTER 24

240K 9.4K 4.3K
                                    

"Who's your Mom?" Valjerome asked again.

Slowly, Erom roamed his eyes. "She's my Mommy," he answered while pointing his finger at me.

Tumingin sa direksyon ko si Valjerome. Walang emosyon ang mga mata niya ngunit mararamdaman mo ang lamig doon. With my trembling knees, I tried to walked towards my son.

"Who's your father then?"

Napatigil ako sa paghakbang. Pilit kong pinakatatagan ang sarili ko na huwag mabuwal sa 'king pagkakatayo.

"Papa Chaos po," my son stated.

Valjerome laughed sarcastically, but didn't speak anymore. Kinuha ko iyong pagkakataon para tuluyang lapitan ang anak ko. I embraced Erom tight, scared that Valjerome might do something to him.

"Mom, who is he?" inosenteng usisa ng anak ko.

Sinubukan kong ngumiti sa kanya para maikubli ang nararamdaman kong takot at kaba. "H-he's my boss," tugon ko.

"Jazzie."

I stiffened when he called me. Mabagal ko siyang nilingon at tinitigan.

"Yes, Sir?" pormal kong tugon, nagpapanggap na hindi ako naaapektuhan sa mga nangyayari.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Valjerome. Maski ang palihim na pagkuyom ng kanyang kamao ay hindi nakalampas sa paningin ko.

"Let's talk." Saglit siyang tumingin sa anak ko saka tumalikod at naglakad paalis.

Hindi naman ako agad nakasunod. Takot na baka may utusan siya na kung sino at bigla na lang ipadampot ang anak ko. Gusto kong maiyak sa frustrasyon pero kailangan kong magpakatatag at umaktong maayos sa harapan ni Erom.

On cue, Ken arrived.

"Oh, nandito ka pa. Nakasalubong ko 'yong guest sa daan, walang iniutos sa 'yo?" takang usisa niya.

"Pwede bang bantayan mo muna si Erom?" pakiusap ko imbes na sagutin siya.

"Huh? Palagi ko naman siyang tinitingnan kapag nandito, ah? Nauntog ka ba, Jazzie?" Mahina siyang tumawa saka umiling. "Lika, Erom. Laro tayo," yaya niya sa anak ko.

Mabilis namang humiwalay sa 'kin si Erom at nagagalak na lumapit kay Ken. Saglit ko pa silang pinanuod na maghabulan bago ko napagdesisyunang tumayo.

"Ken, huwag mong bubuksan ang pinto kapag hindi natin katrabaho ang papasok, ha," pag-agaw ko ng kanyang atensyon.

He looked at me, consfused. "Ibig sabihin ay ila-lock ko ang pinto kapag lumabas ka?" paniniguro niya.

Kagat-labi akong tumango at tumingin sa anak ko. "Magwo-work lang si Mommy, okay?"

"Take care, Mom," he said and gave back his attention to Ken.

Naglaro silang muli habang ako ay nanatiling nakamasid, takot na baka sa pag-alis ko ay mawala siya bigla sa akin.

I let out a deep breath and decided to take my steps. Isinarado ko ang pinto at saka pasimpleng inilibot ang paningin sa paligid, naghahanap ng tauhan ni Valjerome na nakakalat. Hindi ko alam kung ipapagpasalamat ko ba na wala akong nakita o matatakot dahil hindi ko sila nakikita.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara