CHAPTER 17

241K 8.7K 2.4K
                                    

"Bakit hindi ka na lang sa kumpanya ko magtrabaho?" Chaos uttered.

Inirapan ko siya at saka ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ng anak ko na mahimbing na natutulog sa 'king hita.

"Okay na ako sa trabaho ko, Chaos," tugon ko.

Kasalukuyan kaming nasa condo ko ngayon. Inuwi ko ang anak ko matapos ko siyang sunduin kanina sa bahay niya.

"Bakit hindi mo na lang tanggapin ang offer ng dati mong manager? Masyado mong pinapagod ang sarili mo sa trabaho na iyan, Jazzie," he said.

My lips twisted. Binalingan ko siya ng tingin sa kabilang parte ng sofa.

"May anak na ako, Chaos," pagpapaalala ko rito.

"And?"

I sighed and shook my head. "Ang pagiging model ay para ding artista. Maraming titingin at maghahalikwat sa personal mong buhay. Kapag bumalik ako ay paniguradong uusisain nila kung bakit ako biglang nawala noon," pagpapaliwanag ko.

"Ano naman ngayon kung malaman nila na may anak ka na?"

"He'll find out," malaman kong usal.

"So what? Erom is my son," he said coldly.

Napangiti na lang ako at sumandal sa inuupuan kong couch. "Thank you for being with us all the time, Chaos," sinsero kong sambit saka siya nilingon.

He just stared at me and then moved closer. "For you and for our son," he mumbled and kissed my forehead.

I smiled again and let myself dozed off to sleep. Naalimpungatan na lang ako nang naramdaman ko ang pagbuhat at paglapag sa akin ni Chaos sa kama kung saan nakahiga na rin ang anak ko.

"I'm going home," Chaos murmured.

Tinanguan ko lang siya habang namumungay na tumingin sa kanya. 

"Goodnight," aniya.

"Goodnight," namamaos kong tugon pabalik.

He smiled and then stood away from the bed. Inayos niya muna ang comforter naming mag-ina saka niya kami tuluyang tinalikuran at iniwan.

"Hmm. Mommy," my son uttered in his deep sleep.

Tumagilid ako patungo sa kanya at saka siya niyakap. "Mommy's here," I whispered and kissed his forehead.

"I love you, Mom," he murmured and hugged me with his tiny arms.

I smiled genuinely and embraced him tighter. "I love you too, Erom. Mahal na mahal ka ni Mommy, anak. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo," ani ko.

Hindi naman siya umimik pa. Napangiti na lang ako nang silipin ko ang kanyang mukha.

One thing I realized after all the pains and breakdowns that I'd been through. Seeing my son and being able to hold him in any way, all my sacrifices were worth it.

"Drink this." Inabot ng doktora sa 'kin ang isang kulay puti na tableta.

Tinitigan ko iyon ng ilang segundo hanggang sa ituon kong muli sa kanya ang paningin ko.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara