CHAPTER 39

232K 8.2K 2.1K
                                    

"Uy, Jazzie!"

I flinched on my place when someone tapped my shoulder. "Oh, Ken, b-bakit?" tanong ko nang natuon ang atensyon ko sa kanya.

Kunot-noo niya akong pinagmasdan. "May problema ba, Jazzie? Kanina ko pang napapansin na para bang malalim ang iniisip mo," puna niya.

Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa bintana. "W-wala, ano... naisip ko lang si Erom," pagpapalusot ko.

Kababalik ko lang sa hotel pero ito ako, lutang at hindi makagawa nang maayos sa 'king trabaho. Pangatlong suite na ang nililinisan ko ngayon at ang dalawa kong silid na nalinisan kanina ay parehong palpak. Nakalimutan kong palitan ng bedsheet ang naunang suite habang nawala naman sa isip ko na linisin ang cr ng pangalawang kwarto. Kaya naman ngayon sa ikatlong suite na nakatoka sa akin ay nagpasama na ako kay Ken para hindi na makalimot pa sa ibang bagay. Marahan akong nagpakawala ng buntonghininga at muling tinanaw ang itim na sasakyan sa ibaba ng gusali.

It's Valjerome's car.

Halos kainin ako ng kaba kanina nang natanawan kong nakaparada ang sasakyan niya bago ako pumasok ng gusali. Inakala ko pa na naka-check in siya sa hotel pero hindi ko nakita ang pangalan niya nang hanapin ko iyon sa listahan. Maski ang pangalan ni Jaime ay sinubukan kong hanapin, nagbabakasakali na iyon ang ginamit niya pero wala ring lumabas sa system. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na nandoon siya sa loob ng kanyang sasakyan.

Kung totoo na nandito siya... bakit niya ako pinuntahan?

Halos ilang oras kong iniisip ang dahilan kung bakit siya nandito. Gusto niya bang mag-usap kami? Mangulit? Makiusap? Kung isa man doon ang dahilan...

Bakit hindi niya ako hinaharap?

"Sigurado ka? Kanina mo pang pinupunasan ang bintana na 'yan, Jazzie," ani Ken.

Napatigil ako sa 'king ginagawa at nahihiyang napaiwas ng tingin. "A-ano... hindi ko napansin," muli kong pagsisinungaling at lumipat sa kabilang pwesto.

"Jazzie," pagkuha ni Ken ng atensyon ko.

Alanganin akong tumingin sa kanya.

Naroon ang pag-aalala sa kanyang paninitig sa akin at saka huminga nang malamim. "Nalinisan mo na 'yan," imporma niya.

Hindi ko tuloy naiwasang pamulahan ng mukha dahil sa pagkapahiya. Nakagat ko ang ibaba kong labi at marahan na ibinaba ang hawak kong pamunas.

"Pasensya ka na, Ken. Medyo may gumugulo lang sa isip ko ngayon," pag-amin ko at saka naglakad patungo sa kama ng silid.

Naupo ako at hinilot ang sumasakit kong sintido dulot ng labis na pag-iisip. Sumunod naman si Ken sa akin at naupo sa gilid ko, naramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa 'king balikat saka umayos sa kanyang pwesto.

"Alam mo, Jazzie. May mga problema na kahit hindi nasosolusyunan kapag sinasabi sa iba, nagagawa naman niyong pagaanin ang loob natin," saad niya.

Tipid na lang ako na napangiti at napatitig sa kawalan. "Hindi ko alam kung paano magdedesisyon..." panimula ko.

Ramdam ko ang pagtutok ng atensyon ni Ken sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

"Ang dami kong nalaman. Mga masasakit, nakakalungkot at nakakapanghiyang na katotohanan. Hindi ko na alam kung paano iyon isisiksik sa ulo ko, hindi ko mawari kung saan ba ako lulugar. Kung ano ang iintindihin ko; ang nararamdaman ko o ang nararamdaman ng iba. Pakiramdam ko ay napakasama kong tao kapag nagalit ako, pero isa akong walang kwenta kapag pinabayaan ko." Mapait akong ngumiti habang iniisip ang sitwasyon ko at ng dati kong asawa.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon