CHAPTER 3

267K 9.3K 7.2K
                                    

The party goes on. Nagsimulang magsayawan ang mga dumalong magkakapareha kasabay ng pagsasayaw ng mga magulang ni Valjerome. Hindi ko maiwasan na mapangiti at mainggit sa mag-asawa. It's their 50th anniversary today, yet the love in their eyes was still intact.

"You're drinking too much," bulong ng isang malalim na boses sa gilid ko.

I slowly glanced at him and smiled. "Pati ba naman ito ipagbabawal mo rin?" Pagak akong tumawa at naiiling na nilagok ang shot ng whiskey na aking hawak.

Lasing na nga siguro ako dahil nasasagot ko siya nang pabalang na walang kaba na nararamdaman. Ganito naman palagi kapag tinatablan ako ng alak. Para bang isa iyong pinto na binubuksan ko mula sa silid na pinagkukulungan ko.

Hindi ko alam kung pang-ilan ko na ito. Ang alam ko lang ay idinaraan ko sa pag-inom ang nararamdaman kong frustrasyon ngayon. Sa asawa ko, sa k'wintas at sa pagsasama naming dalawa.

"Oh, hijo. Bakit hindi mo isayaw si Jazzie? Lumalalim na ang gabi, sayang naman kung hindi niyo susulitin ang pagpunta rito," usal ng ama ni Valjerome nang bumalik sila sa lamesa namin.

Madaling araw na po.

"Jazzie's tired, dad," simpleng tugon ni Valjerome habang malambing na nakaakbay sa akin.

I wanted to scoff, but I refused to. Sadyang ayaw niya akong isayaw.

"Excuse me, restroom lang ako," magalang kong paalam sa lahat, kasama na ro'n ang asawa ko.

"Samahan na kita," aniya at mabilis na umalalay sa aking pagtayo.

"I can handle," agap ko at bahagya siyang itinulak para magkaroon ng distansya sa aming dalawa.

Nakamaskara man ay hindi pa rin nakaligtas sa akin ang pag-igting ng kanyang panga. "I will go with you," he said in dismissive tone and guided me for a walk.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at nagpatianod sa paghila niya. Nang narating namin ang banyo ay hinayaan niya akong pumasok mag-isa, sumandal siya sa pader na tila ba sa gano'ng paraan ipinararating sa akin na hihintayin niya ako.

Napanguso ako at ginawa ang dapat gawin. Umihi ako at saka nag-retouch ng kaunti. Hindi ko man gusto na palaging nag-aayos ng mukha ay wala akong magagawa dahil may imahe rin akong dinadala. Nang nakuntento sa aking itsura ay napagdesisyunan ko nang lumabas ng banyo. Gano'n na lang ang pangangatog ng aking tuhod sa nasaksihan, mapait akong ngumiti at nagsimulang maglakad paalis—iniwan ang asawa ko na may kahalikang iba mula sa kanyang lugar.

Sa halip na bumalik sa lamesa kung nasaan ang mga magulang ni Valjerome ay nagtungo ako sa mini bar counter na nasa gilid. Agad akong humingi ng margarita sa bartender at mabilis itong nilagok sandaling ipinatong niya iyon sa ibabaw. Not minding the lime on it, neither the salt.

Nakailang order pa ako hanggang sa naramdaman ko na ang pag-ikot ng aking paningin. Saglit akong tumawa dahil ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin ako pinupuntahan ng asawa ko.

Hindi niya ba ako makita?

O hindi niya lang sadya ako hinahanap kasi may ginagawa siyang milagro ngayon?

With that thought, I drank another shot. O-order pa sana akong muli nang may lumapit sa gilid ko na lalaki at inialok ang kanyang kamay sa akin. I stared at him with my dizzy eyes. Nakamaskarang itim ang kalahati niyang mukha ngunit hindi iyon ang nakakuha ng pansin ko. His ocean blue eyes captivated my attention.

"Why don't you dance with me, gorgeous lady? I swear it's more fun rather than drowning yourself in alcohol," he uttered with a manly voice.

Hindi ako agad nakasagot at nanatili lang nakatitig sa magaganda niyang mga mata. I was about to speak when a strong arm wrapped around my waist possessively. Napapikit na lamang ako at napasandal sa kanya, sa amoy pa lang ay kilala ko na ang presensya ng asawa ko.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now