CHAPTER 48

216K 8K 2.6K
                                    

"Mommy, Daddy? Bakit po kayo nakahiga sa sahig? It's dirty po."

My mouth parted when I heard my son. Mabilis akong umalis sa ibabaw ni Valjerome at inayos ang aking sarili. I could even feel my cheeks burning from the embarrassment. Hindi katulad noon na exclusive lang sa amin ang mall, ngayon ay normal kaming nakikihalubilo sa iba. Ramdam ko ang paninitig ng ibang nakakita sa amin ni Valjerome, may mga kinikilig at mayroon ding mga mapanghusga. Mga taong normal na sa henerasyon ngayon.

"Nako! Pasensya ka na, hija. Natuwa ang bata ko sa pagtutulak ng cart, muntik ka na tuloy mabunggo," ani ng isang ginang habang hinahaplos ang balikat ng isang bata.

"Sorry po," paghingi niya ng paumanhin at mariin na napahawak sa malaking cart marahil sa takot.

Doon ko lang napagtanto ang mga nangyari. Agad akong ngumiti para mapagaan ang loob nila.

"Okay lang po, hindi naman ako nasaktan. Mag-ingat na lang po tayo sa sunod," mahinahon kong saad.

"Salamat, hija. Pasensya na ulit," wika ng babae.

Tumango na lang ako at hinarap si Erom nang lumayo na sila. "Nahanap mo na ba ang gusto mong laruan, anak?" pag-iiba ko sa usapin, pasimpleng nakikiramdam kay Valjerome na ngayon ay nasa tabi ko na ulit.

Umiling naman si Erom bilang sagot, bakas ang kalungkutan sa kanyang mukha dahil sa laruang hindi niya natagpuan. Napansin din siguro iyon ni Valjerome kaya naman lumuhod siya para pumantay sa anak ko.

"Pwede mo bang sabihin kay Daddy kung anong toy ba ang hinahanap mo?" masuyo niyang pagkausap sa bata.

My son slowly lifted his eyes to his father. Bahagya pang kumibot-kibot ang kanyang labi, nagdadalawang isip kung sasagutin ba si Valjerome. In the end, he still chose to tell it.

"I want a car, Daddy," he stated.

"Then pick it. Alin ba rito?" ani Valjerome habang sumisilip sa mga nakahilerang laruan.

"Gusto ko po ng toy car na tulad nang binigay niyo sa akin noon," he pointed out.

"Oh, a limo?" Valjerome mumbled.

Tumango naman si Erom at namumungay na tumingin sa paligid, nagbabakasakali na makakakita siya.

"Anak," mahinahon kong sambit.

Tulad ni Valjerome ay lumuhod din ako para maabot ang paningin niya. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha at ngumiti.

"Ayaw mo ba ng iba? Look, oh." I pointed the toy cars around us. "Ang daming magaganda. Mas maganda pa sa hinahanap mo, why don't you pick them instead?" anyaya ko.

He slowly shook his head and lowered his gaze. "I want to collect... Daddy's things," he whispered and looked at me. "Para po kahit umalis na tayo sa house ni Daddy, I still have his memories with me."

Tila kinurot ang puso ko habang nakikita ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Erom. Ramdam ko ang hirap, panghihinayang, at pagkabigo sa mga titig niya. I couldn't speak anymore. Pakiramdam ko ay anuman ang sabihin ko, hindi niyon mapapawi ang nararamdamang sakit ng anak ko.

"Hey, baby," puno ng lambing na pagtawag ni Valjerome at saka siya kinarga. "Don't worry, si Daddy ang bahalang maghanap ng toy car na gusto mo. 'Wag ng sad, okay?" aniya.

"Talaga po?" marahan at umaasang sambit ni Erom.

Valjerome smiled at him, then nodded his head. "Huwag mo nang isipin 'yon. Before this day ends, you'll get your limo," he assured.

Unti-unting nanumbalik ang sigla sa mukha ni Erom at saka niyakap si Valjerome sa kanyang leeg. "I love you, Daddy," he said. "I wish... we can always stay together," Erom added in a whisper.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang