CHAPTER 29

252K 9.5K 5.2K
                                    

The sunlight was hitting my face when I woke up from my deep sleep. Agad kong kinapa si Erom sa 'king tabi para yakapin pero gano'n na lang ang mabilis kong pagbalikwas nang hindi ko siya nahawakan.

"Erom?" nagpa-panic kong sambit habang iginagala ang paningin ko.

Tumayo ako palayo sa kama at saka nilibot ang buong silid. Nang hindi ko siya nakita ay doon pa lang ako lumabas.

"Erom?" muli kong pagtawag habang lakad-takbong bumababa ng hagdanan.

Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa iba't ibang sitwasyon na pumapasok sa isip ko. Mas lalo pang dumoble ang kaba ko nang hindi ako nakakita ng kahit isang bantay sa paligid ng bahay ni Valjerome.

Did he abduct my son?

Did he hurt him?

Did he... kill him?

"Ero—" Natigil ang pagtawag ko nang nakita ko ang anak ko na nakaupo sa high chair, nakangiti habang nakatanaw sa naglulutong si Valjerome.

"Oh, hija. Gising ka na pala. Tamang-tama nagluluto na si Senyor," ani Manang na kalalabas lang mula kung saan.

Doon ay nilingon ni Valjerome ang direksyon ko.

"Good morning. Gutom na si Erom kaya—"

Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad patungo sa anak ko. I quickly carried him and sharply glared at Valjerome.

"Don't ever come near my son, Mr. Montevardo," I said coldly with my warning tone.

Namumungay siyang umiwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa akin ang dalawang beses niyang paglunok saka muling tumingin sa akin.

"Pinagluto ko lang siya," mahinang wika niya.

I gritted my teeth and tried to control my anger. "Hindi mo siya kailangang ipagluto. Hindi ka niya kaano-ano," mariin kong saad.

Ang kanina niyang pantay na balikat ay unti-unting bumagsak kasabay nang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata.

Imbes na makipag-usap pa sa kanya ay sinimulan ko siyang talikuran habang bitbit ang anak ko.

"Mom, I'm hungry," Erom murmured.

Bumagal ang paglalakad ko at pasimpleng tumingin sa 'king relos. I shut my eyes when I saw the time, it's 10am in the morning. Hindi kataka-taka na gutom na ang anak ko dahil masyado siyang nasanay na maaga kaming kumakain.

"You seem mad, Mom," he continued.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at tuluyan nang napatigil sa paglalakad nang nasa bungad na kami ng hagdanan. Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka tumingin sa anak ko.

"Why did you leave the room?" I asked, trying to calm.

He pouted and averted his eyes. "I've been waiting for you to wake up, but you seem to be lacking in sleep, Mom."

Natigilan ako at naalala kung bakit tinanghali ako ng gising. Mariin akong napapikit nang naalala ang mga linyang binitiwan ni Valjerome kagabi bago siya lumabas ng kwarto.

'I miss you...'

Dahil sa linya niyang iyon ay hindi agad ako nakatulog. Pilit kong inisip kung para saan iyon. Alam ba niya na nagpapanggap lang ako na tulog kaya sinusubukan niya akong pikutin para sa anak ko?

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon