CHAPTER 37

230K 9.2K 5.9K
                                    

(WARNING/AUTHOR's NOTE: Ang kabanatang ito ay nangangailangan nang malawak na pag-intindi. Maaaring hindi niyo magustuhan ang mababasa ninyo o hindi n'yo matanggap ang nakapaloob dito. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng pasensya sa mga madi-disappoint at sana ay balikan n'yo ang ikalawang chapter (synopsis) at muling basahin ang huling paragraph na isinulat ko ro'n. Salamat.)
***

HALOS tatlong minuto na ang lumipas mula nang ibaba ako ng taxi driver sa harapan ng mansyon ni Valjerome. Dahil nga kasama ako ay hinayaan ng mga bantay na nadaanan namin na makapasok ang sasakyan. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig sa kabuuan ng bahay niya. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang mapakla habang naiisip ang mga taon na inilagi ko sa masyon na ito.

Matagal na rin pero parang kahapon lang ang lahat...

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko saka ako naglakad papasok. Agad na sumalubong sa akin si Jaime, base pa lang sa tingin na ibinigay niya sa akin ay ramdam ko ang pasasalamat doon. Napaisip tuloy ako kung maayos ba ang trato ni Valjerome sa kanyang mga tauhan at ganito na lang sila mag-alala para sa kanila. Mas lalong dumoble ang guwang sa dibdib ko dahil doon.

Sana ay nagawa niya rin akong itrato nang maayos noon.

Iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko at itinuon ang atensyon sa dahilan kung bakit ako naparito. Iyon ay ang pakiusap ni Manang na asikasuhin ko si Valjerome. Labag man sa loob ko na makita ang dati kong asawa ay pinili ko pa ring pumunta dahil sa linya na sinabi ng anak ko kanina.

Halos anim na taon kong kinargo ang galit at sama ng loob ko kay Valjerome. Panahon na rin siguro para pakawalan ko ang lahat. Napapagod na rin akong manumbat, manakit, manisi. Kailangan ko na maging maayos para makapagsimula ng panibago.

Seryoso ako noong binigyan ko ng pagkakataon si Chaos. Maaaring wala pa akong nararamdaman ngayon sa kanya pero bukal sa loob ko na bigyan siya ng pagkakataon. Bukod sa deserve niya iyon ay nakikita ko rin ang pagpapahalaga niya sa amin ng anak ko. Oras na rin siguro para sumubok muli, ang sumugal ulit.

"Hija, mabuti naman at nagpunta ka," salubong ni Manang sa akin.

Tipid akong ngumiti at napaangat ng tingin sa ikalawang palapag nang may narinig akong ingay roon. Hindi iyon gano'n kalakas pero dahil sa magkakasunod na mahinang kalabog ay maaagaw niyon ang atensyon ko.

"Akyatin mo na, anak. Kanina pa siya bumabaril sa loob," ani Manang, bakas ang pag-aalala sa kanyang tono.

"Bukas po ba ang kanyang silid?" usisa ko.

Umilin si Manang at nagpakawala nang malalim na hininga. "Anak, alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa inyo ng asawa mo. Pero sana ay magawa mo siyang pakinggan."

Gusto kong itama si Manang sa sinabi niyang asawa ngunit hindi ko na ginawa pa dahil muli na naman akong nakarinig ng dalawang kalabog sa itaas na palapag.

"Pupuntahan ko lang po," paalam ko at tuluyan nang naglakad patungo sa hagdanan.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay tila tumatakbo ng milya-milya ang utak ko. Nakakatawang isipin na lubos akong nag-iisip ngunit hindi ko matukoy kung ano ba ang iniisip ko.

Tumigil ako sa paglalakad nang nakarating ako sa labas ng silid ni Valjerome. Tumitig pa ako ro'n ng ilang segundo at saka kumatok ng tatlong beses.

"Leave," I heard him spoke from inside.

I breathe deeply and pinched my fingers. "It's me," I uttered.

Hindi ko alam kung narinig niya iyon. Wala akong sagot na narinig mula sa kanya hanggang sa nagulat na lang ako sa marahan na pagbukas ng pinto.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now