CHAPTER 53

245K 8.5K 3.9K
                                    

Alas tres na ng madaling araw pero gising pa rin kami ni Valjerome. Nakahiga ako sa balikat niya habang nakayapos naman ang kamay niya sa akin. Pareho kaming nakatitig sa kisame; nag-iisip, nakikiramdam.

"Hindi ka ba... nagsisisi?" aniya sa mahinang boses.

Kunot-noo ko naman siyang tiningala. "Nagsisisi? Saan?"

Malamlam siyang tumingin sa akin at saka banayad na pinalis ang aking takas na buhok gamit ang isa niyang kamay. "Sa nangyari sa atin... ngayon," tugon niya.

Hindi ko naiwasan na irapan siya. "You already took me six times, Valjerome. Kung nagsisisi ako, sana sa pangalawang beses pa lang umayaw na ako."

His lips curled up. "You counted it?" manghang tanong niya.

Nag-init ang aking pisngi sa kahihiyan. "H-hindi ko binilang. Natatandaan ko lang," ani ko.

He let out a soft chuckle and hugged me closer. "I love you," he said sincerely.

"I... love you too," nahihiyang pag-amin ko.

"I love you," ulit niya at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

"Paulit-ulit ka naman, eh," reklamo ko.

He laughed and gave me a peck. Napanguso na lang ako at umiwas ng tingin. Nasisigurado ko kasi na kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko ngayon.

"Gusto ko lang bumawi sa mga panahon na hindi ko iyon nasabi sa 'yo," bulong na anas niya.

Natahimik kaming pareho. Hindi man niya sabihin ay alam kong binabalikan niya rin ang nakaraan naming dalawa.

"Where is she?" he asked suddenly.

Taka ko naman siyang tiningnan. Hindi siya umimik, imbes ay tumagilid siya para mas mayakap ako nang maayos saka marahan na napunta sa 'king tiyan ang kamay niya.

Tila kinurot ang puso ko nang napagtanto ang kanyang tinutukoy.

Buong pag-iingat na hinaplos ni Valjerome ang tiyan ko. Haplos na para bang naroon pa rin sa sinapupunan ko ang munting anghel na nawala sa akin... sa amin.

Mariin akong napalunok at tumingin sa kawalan. "I-I... buried her... with my parents."

"Erom doesn't know about his twin?" pagkaklaro niya.

I nodded and breathe deeply. Sumiksik ako sa tabi niya at saka siya tiningala.

"I was traumatized. I-I couldn't handle the fact that I lost our child. Hindi ko ipinaalam kay Erom dahil ayaw ko rin na mabanggit niya palagi ang anak nating nawala. Masama man sigurong pakinggan para sa iba pero ayaw ko na may magpaalala sa akin ng tungkol kay Angel. Don't get me wrong, I love her, I always think of her. Mahal na mahal ko siya. It's just..." A lone tear fell on my cheek. "I couldn't handle the pain every time reality dawned on me."

Valjerome's arms tightened around me. "I understand you, Jazzie. You are hurting, you're a mother. I'm sorry, it's my fault," paos na wika niya.

Marahan akong umiling. "I blamed you back then. Maski sarili ko ay sinisi ko rin. Marami akong tanong na halos hindi ko masagot, hindi ko matanggap lahat nang nangyari sa buhay ko," paglalahad ko saka tipid na ngumiti.

"But then, as time went by, I realised that not all questions may be answered in the process. But once you take it slow and understand that your questions, your problems, and your feelings are valid . . . it becomes easier to accept," I continued.

"You are the bravest person I've ever known, Jazzie. Mga bata pa lang tayo, I already admired you for being strong," aniya.

Tipid na lang ako na napangiti at nanatiling nakapikit habang nakasiksik sa kanya. Marahan niya namang hinahaplos ang buhok ko, animo'y inaalis niyon lahat ng mga agam-agam ko.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora