CHAPTER 16

243K 9.3K 3.6K
                                    

"Jazzie," our supervisor called.

Mabilis kong binitawan ang hawak kong pamunas at lumapit sa kanya.

"Yes po, Ma'am?" magalang na wika ko habang nakayuko ng kaunti.

"Nag-check out na ang guest sa suite six, pumunta ka na ro'n at ayusin ang silid para maibigay sa darating na guest," mataray na utos niya at inabot sa akin ang keycard para sa tinutukoy niyang kwarto.

"Sige po," tipid na tugon ko at nagmadaling umalis kasama ang mga gamit na kakailanganin ko sa paglilinis.

"Jazzie, tulungan na kita," wika sa 'kin ni Ken nang salubungin niya ako sa hallway.

Isa si Ken sa mga katrabaho ko, kasalukuyan akong housekeeper sa isang five star hotel. Ito ang naging trabaho ko sa halos limang taon.

Tipid akong ngumiti at hinayaan siya na alalayan ako sa 'king dala. "Salamat," ani ko.

"Ano ka ba? Simpleng bagay lang ito," sambit niya.

Ngumiti na lang ako ulit at sinabayan ang paglalakad niya. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa harapan ng suite.

"Salamat ulit, Ken," sinsero kong usal.

Alanganin siyang humawak sa kanyang batok at ngumiti. "Paano ba 'yan? Baka naman... pwede kitang yayain na kumain mamaya," aniya.

I chuckled and tapped his shoulder. "Pag-iinitan na naman ako ni Stacey niyan," tugon ko.

Awtomatikong umasim ang kanyang mukha.

"Hayaan mo siya. Sinayang niya ako tapos ngayon mag-iinakto siya na parang ako pa ang nagkamali," maktol niya.

Napailing na lang ako at saka siya muling tinapik sa balikat. "Alam ko naman na gusto mo pa rin siya. Kaya sige na, date her. Para naman hindi na niya ako pinahihirapan sa trabaho." Ngumiwi ako nang naalala ang mataray niyang pag-uutos sa akin kanina.

Yes, Stacey was our supervisor. Siya ang dating nililigawan ni Ken pero ni-reject niya ang lalaki. Kung ano ang dahilan ay hindi ko rin alam at wala akong balak alamin pa.

"Pasensya ka na sa kanya," ani Ken.

"Ayos lang. Sanay naman ako sa hirap." Mahina akong tumawa at umiling nang naalala ang nakaraan ko.

"Sige na, papasok na ako. Baka mamaya ay maabutan pa ako ng sunod na guest, lalo nang nagwala si Ma'am Stacey," saad ko at saka ginamit ang keycard sa pinto.

"Sige. Balik na rin ako staff's room at baka mayroon na ring nakatoka para sa akin."

Nagtanguan kami saka tinahak ang sari-sarili naming direksyon, siya paalis habang ako naman ay papasok ng suite.

My lips twisted when I saw the living room. Sa itsura pa lang nang nakikita ko ay alam kong pamilya ang umukupa sa silid na ito. Nagkalat ang mga naiwan na laruang pambata gano'n na rin ang mga balat ng mga pinagkainan nila. I let out a deep breath and decided to start cleaning.

Walis dito, vacuum doon, disinfect dito, punas doon. Paulit-ulit ko iyong ginawa sa bawat sulok ng suite hanggang sa loob ng kwarto. Pinalitan ko rin ang cover ng kama, towels at iba pang mga stocks. Pati ang cr at mga bintana ay sinugurado kong malinis saka ko muling pinasadahan ng tingin ang buong suite upang masigurado na wala akong nakaligtaan.

Nang nakuntento ay lumabas na ako dala ang mga basura at iba pang gamit na pinagpalitan ko sa loob ng suite. I was pushing the housekeeping trolley cart when I heard my phone rang. Saglit akong tumigil at kinuha ang telepono ko mula sa aking bulsa.

I let out a small smile when I saw Azy's name on the screen.

"Hello," ani ko nang sagutin ko iyon at ituloy ang paglalakad habang tulak-tulak ang cart na dala ko.

"Girl! I miss you!" madramang wika niya.

I rolled my eyes and shook my head. "What now, Azy? I'm busy. Nasa trabaho pa ako," saad ko.

"Kung bakit ba kasi hindi ka na lang bumalik bilang modelo ko. Sana ay hawak mo ang oras mo ngayon," punto niya.

"Azy, tapos na ako riyan. Gusto ko nang tahimik na buhay."

Azy scoffed on the line. "Don't me, Jazzie. 'Di mo akes maloloko. I know how you love modelling," he mumbled.

Hindi naman ako nakaimik at hinayaan na lang siya na magsalita.

"It's been six years, Jazzie. Hinayaan kita no'ng unang taon dahil valid naman ang reason mo, pero ngayon. Ano na, girl? Waley na ba talaga pag-asa?"

Bumuntonghininga ako at tumigil sa paglalakad. Itinukod ko ang aking siko sa cart at nilaro ang mga daliri ko.

"Pasensya ka na, Azy. It's just... I decided to have a simple life. Alam mo naman na kapag bumalik akong muli sa mundo ng pagmomodelo ay uusisain ng lahat ang buhay ko," mahinahon na paliwanag ko.

He remained quiet for a second then sighed afterwards. "Dahil ba kay Val—"

"Tulad nang sinabi ko, gusto ko lang talaga ng tahimik at simpleng buhay. Sorry, Azy. I knew, you really want me back. Pero marami pa rin naman diyan na maganda at mas maayos ang katawan sa akin, sila na lang siguro kuhanin mo," singit ko sa pagsasalita niya.

"Okay, okay. Kung hindi na talaga kita mapipilit. Okes, basta, girl. Tawagan mo lang ako kapag nagbago ang isip mo. Bukas palad kang tatanggapin ng fairy godmanager mo," aniya.

Hindi ko naiwasan na ngumiwi. "Pinal na 'yon. Kaya magsimula ka nang mag-train ng little fairies mo. Ang pagbabalik ko sa modelling ay gawa-gawa lamang ng illuminati."

"Pangit mo pa ring ka-bonding kahit kailan, Jazzie."

I chuckled and stood up straight when I saw my supervisor walking towards my way. "Sige na, mukhang may dragon na bubuga sa munting gamugamo na ito," ani ko saka ibinaba ang tawag, hindi na hinintay pa ang sagot ni Azy.

"Sino ang nagsabi sa 'yo na pwede kang gumamit ng telepono sa oras ng trabaho?" taas kilay na wika ni Ma'am Stacey nang tumigil siya sa harapan ko.

Bahagya akong yumuko at nakagat ang ibaba kong labi.

Wala rin namang nagsabi sa akin na bawal pala.

"Pasensya na po, Ma'am. May tawag lang po galing sa bahay," pagsisinungaling ko.

"Tigilan mo ako sa mga palusot mo at isunod mo ang room 66 at 69 sa paglilinis!" Ipinatong niya ng dalawang keycard sa ibabaw ng dala ko saka naglakad paalis.

I breathed deeply and took it. Napailing ako nang nasilip ang oras sa wristwatch ko.

Mukhang late na naman akong makakapag-out nito.


IT was past 7'pm when I reached my condo unit. Sa halip na pumasok sa loob ay nagtungo ako sa pangatlong unit na katabi ng sa akin at nag-buzzer.

Few seconds later, a man appeared in front of me.

"Chaos," I uttered and gave a small smile.

Nangunot ang noo niya at tumingin sa kanyang relong pambisig. "Late ka na naman," he stated.

"Yeah, obviously." Inirapan ko siya at saka nilampasan.

"He's in the kitchen," aniya habang nakasunod sa aking paglalakad.

Hindi ko naman siya inimikan pa at tinungo na lang ang lugar na sinabi niya.

"Erom," I called when I saw him eating in the kitchen.

Slowly, he glanced at me. Tulad ng normal niyang reaksyon kapag umuuwi ako galing trabaho, bahagyang nanlaki ang kanyang mata at mabilis na bumaba sa kanyang inuupuan.

"MOMMY!"

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now