CHAPTER 30

254K 9.4K 6.7K
                                    

"Let me go, Valjerome," ani ko sa pinalamig na boses.

Hindi naman siya kumibo at nanatiling nakapulot ang kanyang braso sa tuhod ko.

"Please..." he murmured.

I laughed sarcastically and glanced up to surpress my tears. "Don't you think it's unfair?" I uttered.

"Alam ko," namamaos na tugon niya. "But I am still hoping that you'll give a chance."

"Tingin mo ba ay napakadali niyon? Tingin mo ba ay kaya kong palapitin ang anak ko sa taong gustong pumatay sa kanya noon?" Hindi ko naiwasan na ilabas ang hinanakit ko.

I felt his embrace tightened. "I will not hurt him. I just want to hold him, Jazzie." Slowly, he moved his head and looked up at me.

Namumula ang kanyang mga mata na tila gusto pang kumawala ng mga luha niya. Inaamin ko, mayroon sa loob ko na nagugulat sa inaasta niya ngayon. Malayo ang Valjerome na nasa harapan ko sa nakasanayan kong walang emosyon at hindi basta-basta nanghihina. Sa lumipas na sandali, naalala ko ang dating siya na kinalakhan ko. Ang dating lalaki na nakasama ko sa paglaki ko na bigla na lang nawala sandaling ikinasal kaming dalawa.

"Kill me. Kill me if I hurt him. Kill me if I made him cry. Kill me if I did something wrong," he sincerely uttered.

I scoffed. "Hindi ako katulad mo, Valjerome. I am not that heartless to kill a person no matter how bad they are to me," I rebuked.

He stared at me softly. "I knew. Because you're the best person I've ever known," he mumbled.

I averted my eyes and tried to break from his hold. Nanghihina niya naman akong pinakawalan habang nanatiling nakaluhod sa harapan ko.

"Hindi ko kayang palapitin ka sa anak ko," malamig kong ani.

Mabilis siyang gumapang palapit sa pwesto ko at saka muling yumakap sa 'king binti.

"Valjerome!" suway ko.

"Please, Jazzie. Please... kahit isang linggo lang. Hayaan mo ako na makalapit at mahawakan siya." He buried his face on my knees again. "I will let you go after," he weakly continued.

"Isang linggo lang," pumipiyok niyang wika.

Hindi ako sumagot at ipinikit na lang ang aking mga mata sa nararamdamang frustrasyon.

Siya ang nakagawa ng kasalanan, pero bakit parang ako pa ang naging masama sa sitwasyon?

I am not bad. Pero para sa anak ko, kaya ko maging kahit ano para sa kanya.

"Let me go, Valjerome," mahinang sambit ko sa pagod na rin dulot ng emosyon ko.

He shook his head. "Please, Jazzie. I am begging you. Gagawin ko ang lahat kapalit ng panahon na makasama ang anak ko. Isang linggo lang, pakiusap. Hindi na ako hihiling ng sobra," aniya. "Kahit bilhin ko ang bawat minuto, uubusin ko ang pera ko. Kahit... pakawalan ko kayo pagkatapos ng isang linggo, gagawin ko. Pagbigyan mo lang ako."

"Pakawalan mo ako at hayaan mo akong magdesisyon para diyan," walang emosyon kong sambit.

I felt him stiffened. Slowly, he distanced his body and looked at me.

"Y-You'll give me a chance?" he asked.

"Ang sabi ko pag-iisipan ko, Valjerome," pagpapaalala ko.

He swallowed and nodded his head like an obedient child. "Maghihintay ako," aniya at banayad akong pinakawalan.

Hindi naman ako umimik. Marahan ko lang siyang tinalikuran at naglakad palabas ng silid.

How can I trust you with my child?






"AHMM, do you want this?"

Palihim akong napangiwi habang nakamasid sa anak ko at kay Valjerome. He's standing in front of my child, giving him a medium size toy car. Alanganing lumingon sa 'kin si Erom, tila ako ang pinagdedesisyon kung tatanggapin niya ba o hindi ang laruan.

I sighed and walked near them. "Do you like it?" I asked.

Nandito kami ngayon sa isang mall na pinasara ni Valjerome. Kung bakit ay hindi na ako nagtataka pa. Yes, I gave him a chance. Pero tulad nang hiniling niya, papayagan ko lang siya na makasama o mahawakan ang anak ko at pagkatapos ng isang linggo ay aalis na kami sa puder niya. Sapat na iyon. Hindi na ako aabot sa punto na ipakikilala ko siyang ama kay Erom. Bukod sa malilito ang bata ay hindi ko rin maaatim na sabihin sa kanya ang totoo sakaling manguwestyon siya tungkol sa mga nangyari.

"Can I... have it, Mom?" bulong na anas ni Erom habang nakatingin sa akin.

I tried to smile and caressed his hair. "Kung gusto mo," tugon ko.

Muli niyang ibinalik ang paningin kay Valjerome na kulang na lang ay maging tuod sa kanyang tayo. I don't get him, he wanted to touch or hold his child. But the way he treated Erom, it was like he'll be electrocuted once he touched him.

"Are you giving it for free po?" my son asked.

Marahang nanlaki ang mata ni Valjerome, ilang saglit pa bumalik iyon sa normal at alanganin siyang tumawa. Hindi nakaligtas sa 'king paningin ang pagdapo ng isang kamay niya sa kanyang batok at hinimas-himas iyon.

"Pwede bang may kapalit?" aniya.

"Wala po kaming money. My papa is not here po para magbayad ng toys," sagot ng anak ko.

In a snapped, Valjerome's eyes glimmered in sadness. Napaiwas na lang ako ng tingin at palihim na kinurot ang aking daliri.

Valjerome slowly kneeled and forced himself to smile. "Hindi naman pera ang hihilingin kong kapalit," banayad na wika niya habang nakatitig sa anak ko.

"Ano po?" inosenteng usisa ni Erom.

Sandali pang tumitig si Valjerome sa anak ko at saka ibinaba sa sahig ang hawak na laruan. "Can you..." His adam's apple moved slowly. "Give a me a hug in exchange?" he continued with his raspy voice.

Hindi naman agad nakasagot si Erom at napatitig lang kay Valjerome.

"Will that make you happy po?" he said afterwards.

Natigilan si Valjerome sa itinanong ng anak ko. Maski ang atensyon ko ay napunta sa kanya.

"Napansin ko po kasi na palaging sad ang eyes niyo," patuloy ng anak ko nang hindi siya sagutin ni Valjerome.

I bit my lower lip when I saw Valjerome's eyes watered. Pinilit niyang tumawa at saka tumingala para pigilan ang nagbabadya niyang luha.

"Yeah, that will make me happy. So can you give me a hu—"

Valjerome froze, so did I.

"Tell me na lang po 'pag enough na," Erom murmured as he hugged him tight.

With Valjerome's trembling hands, he slowly wrapped my son as if he was like an expensive porcelain. He even buried his face on Erom's shoulder then lightly kissed his side hair.

I was caught off guard when he looked at me with his teary eyes. "Thank you," he mouthed as a single tear escaped from his eye.

Palihim niya iyong pinunasan at muling niyakap ang anak ko na tila ninanamnam ang sandaling iyon.

Napaiwas na lang ako ng tingin at napangiti nang mapakla sa naiisip.

If he let me continue my pregnancy back then...

Would I still have Erom's twin?

Kung hinayaan niya ako no'ng ipinaalam ko sa kanyang buntis ako, makukunan pa rin ba ako dahil sa gabi-gabi kong pag-iyak?

Pagak akong natawa at tumingala para pigilan ang pagluha ko. Nangyari na, hindi ko na maibabalik pa ang nawala kong anak.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin