CHAPTER 18

244K 8.2K 3.4K
                                    

"Erom," malambing na paggising ko sa 'king anak.

Isang ungot ang kanyang pinakawalan saka mabagal na nagmulat ang kanyang munting mata. I automatically greeted him with a smile.

"Bangon na, anak. Magre-ready na tayo for school," saad ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.

Limang taon na si Erom kaya naman kasalukuyan na siyang pumapasok sa Kindergarten.

Itinaas ng anak ko ang kanyang mga kamay sa ere. "Hug, Mommy," aniya.

I chuckled and pinched his tiny nose. "Naglalambing na naman ang baby ko," saad ko saka ako yumuko para yakapin siya.

"Good morning, my most beautiful mom," he greeted.

Tila tinunaw ang puso ko sa simpleng pagpuri ng anak ko. Noon pa man ay nakakatanggap na ako ng mga magagandang kritisismo mula sa mga taong humahanga sa akin. Ngunit iba pala talaga kapag anak mo ang pumuri sa 'yo.

I broke our hug and looked at him. "Hmm. Ano kaya ang kailangan ng prinsipe ko?"

He giggled and rose up from the bed. Muli siyang yumakap sa 'kin at sumiksik sa katawan ko.

"Can I come with you tomorrow, Mom? Promise, magbe-behave po ako," aniya.

Napangiti na lang ako at hinalikan siya sa ulo. "Ayaw mo ba ro'n tumambay sa opisina ng Papa mo?" usisa ko.

Weekends are coming. Kadalasan kapag wala siyang pasok ay dinadala siya ni Chaos sa opisina.

Erom distanced himself. "I heard Papa will be busy tomorrow. Mayroon po 'ata silang..." He trailed off and acted thinking.

Mahina akong natawa nang napakamot siya sa kanyang ulo marahil ay hindi niya mabigkas o maalala ang gustong sabihin.

"Conference meeeting ba, anak?" wika ko.

Mabilis siyang tumango nang magkakasunod.

I sighed and caressed his hair. "Pero busy rin panigurado si Mommy bukas. Is it okay na sa staff's room ka muna kapag naglilinis ako?"

"It's okay, Mom. I can play with Tito Ken when you're away," he answered.

Napangiti ako, hindi ko maiwasan na humanga sa kakayahan ng anak ko na umintindi sa kabila ng mura niyang edad.

"Let's go? Baka mahuli ka pa sa school," anyaya ko at saka tumayo.

He nodded and started moving to prepare. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang kusa niyang ayusin ang kanyang kama. Hindi man iyon gano'n kapulido ay masasabi kong maayos din ang kanyang pagkakaligpit.

"Tara na, Mommy," wika niya pagkatapos saka ako mahinang hinatak sa kamay.

I chuckled and shook my head with disbelief. Wondering why my son was growing to fast.

Tulad ng normal na routine ko araw-araw; pinaliguan ko siya, pinakain, binihisan at iba pa. Masaya ko iyong ginawa bagamat nakakapagod din paminsan-minsan.

"Huwag makikipag-away sa school, okay?" pagbibilin ko habang isinusuot kay Erom ang kanyang bag.

"Good boy po ako, Mommy. Hindi po ako nakikipag-away," aniya.

"That's my son," Chaos voice butted in.

Napalingon ako sa pintuan kung saan naroon siya, nakatayo habang nakangiting nakamasid sa aming dalawa.

"Papa!" puno ng galak na sigaw ni Erom saka nagtatakbo patungo kay Chaos.

Agad namang yumuko si Chaos para kargahin ang anak ko. "Hey, buddy. Are you ready for school?" usisa niya rito.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now