CHAPTER 34

234K 9.1K 4.2K
                                    

"Magsisimula ang project next week."

Hindi ko alam kung ilang beses na akong umirap mula nang pumasok ako sa opisina ni Valjerome. Seeing this Briones made me want to puke.

How could a pretty girl act like a hoe?

Kulang na lang ay ibaba niya ang kanyang damit sa harapan para ipakita kay Valjerome ang malalaking boobies niya. Ito namang dati kong asawa, kunyari pang hindi naaapektuhan, eh, alam ko naman na kahit posteng nakapalda titirahin niya.

Nandito ako sa mini couch ng opisina niya habang nag-uusap sila sa kanyang office table kaya naman nakikita ko sila mula sa pwesto ko.

I don't know why Valjerome brought me with him. Para ba ipakita sa akin kung paano siya mambabae?

Psh! As if I still care. Mag-sex man sila sa harapan ko.

Wait. On the second though. Eww! It's gross.

Itinigil ko na lang ang pagpansin sa kanila at kumuha ng isang magazine na nakalagay sa ibabaw ng center table. Sandali pa akong natigilan nang napansin ang cover niyon.

It's me.

Nangunot ang noo ko at binuklat iyon para makumpirma. Isa iyong magazine kung saan na-featured ako pitong taon na ang nakararaan. I am still in the modelling industry that time. Matunog ang pangalan ko kaya naman madalas akong nakukuha bilang front cover ng iba't ibang sikat na magazines.

Bakit mayroon siyang kopya nito?

Natigilan ako nang nakakita ng iba pang magazine mula sa mga nakapatas na kumpol. Lahat iyon ay ako ang front cover. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang pumasok ang isang ideya sa isip ko.

No, stop imagining things, Jazzie.

I took a deep breath and decided to put back the magazines on the table. Iniwasan kong mag-isip ng kung ano at muling bumaling ng tingin direksyon nina Valjerome ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang nakita ko siyang nakatayo sa gilid.

He's intently looking at me. Iniwasan ko iyon at pasimpleng sumilip sa babaeng kausap niya kanina. My forehead creased when I saw her head resting on the table, eyes closed.

Ano'ng nangyari do'n? Nakatulog bigla?

"I... collected those before."

Nakuha muli ni Valjerome ang atensyon ko nang nagsalita siya. Marahan kong inangat ang paningin sa kanya at kunot-noo siyang tinitigan sa kabila nang banayad na tingin niya sa akin.

Hindi dapat ako magpaapekto o magpabilog sa kanya.

"What are you doing, Valjerome?" direkta kong tanong sa malamig na tono. "Sinusubukan mo ba akong paikutin dahil sa anak ko? Akala ko ba ay nagkakaintindihan tayo sa kasunduan natin?"

I saw him gulped and his mouth slowly opened to talk. "I just want... us to be okay," he answered.

I couldn't help, but laugh sarcastically. Tumayo ako at naglakad patungo sa harapan niya.

"Ang kapal ng mukha mong hilingin iyan pagkatapos ng mga nangyari," mariin na saad ko.

"Jazzie..." he called softly and held my arm.

Mabilis kong iwinaksi ang braso ko at matalim na tumingin sa kanya. "Utang na loob, Valjerome. Huwag mo akong mahawak-hawakan," nagngingitngit kong sambit. "Magpasalamat ka at gusto kong makalayo sa 'yo kaya hinayaan kitang makalapit sa anak ko, kung hindi dahil doon, magkamatayan muna tayo bago mo maidampi 'yang kamay mo sa kanya."

"Jazzie..." he called again and tried to touch me for the second time, but I quickly gave him a slap.

"Don't you ever dare lay a finger on me," I warned.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon