CHAPTER 19

234K 7.6K 1.4K
                                    

"Hindi nga kasi pwede, Jazzie. Alam mo naman na mapapagalitan tayong pareho ni Stacey," ani Ken.

"Please. Kahit three days lang," pakiusap ko habang hinahatak ang braso niya.

Siguro naman nakapag-check out na siya niyon.

Nandito kami sa staff's room kung saan pupwede kaming tumambay o mamahinga.

"Ano ba kasing mayroon at ayaw mong tanggapin ang toka mo ngayon?" kunot-noo niyang usisa.

Natigilan naman ako at napaiwas ng tingin. Halos sampung minuto na akong nakikiusap kay Ken na siya muna ang umasikaso sa room na ibinigay sa akin ng supervisor namin.

"Masama lang talaga pakiramdam ko. Kailangan ko muna 'atang um-absent ng ilang araw," palusot ko.

"Mukha ka namang okay, ah?" agad na sambit ni Ken saka sinipat ang noo ko.

Wala sa sarili akong tumakad at parang bata na kumapit sa braso niya. "Please?"

He sighed and disheveled his hair. "Isang araw lang, Jazzie. Hindi pwedeng ako pa rin bukas. Malalagot talaga tayo kay Stacey kapag nalaman niya," aniya.

Awtomatiko akong tumalon at yumakap sa kanya. "Thank you, thank you."

Magsasabi na lang ako mamaya ng sick leave sa head. Paniguradong hindi ako makakawala kapag kay Stacey ako namaalam.

"Teka nga, aminin mo, Jazzie," seryosong wika ni Ken at inihiwalay ako sa kanya.

Kinabahan naman ako sa seryosong paninitig niya.

Masyado bang halata ang kilos ko?

"May multo sa room na iyon, 'no? Kaya ganiyan ka!"

Napaawang ang labi ko sa tinuran ni Ken. Mabilis ko rin naman iyong itinikom at alanganing tumawa.

"Ah, o-oo," iyon na lang ang nasagot ko para hindi na siya mang-usisa pa.

He tsked while shaking his head. "Nagpapaniwala ka naman doon. Guni-guni mo lang iyon," aniya saka ako inakbayan. "Pasalamat ka malakas ka sa 'kin."

"Ano'ng ginagawa niyo?!" matinis na hiyaw ng pamilyar na boses mula sa pintuan.

Mabilis na humiwalay sa akin si Ken at kumakamot sa batok na hinarap ang nag-aapoy na si Stacey.

"Nagkakatuwaan lang, Ma'am," aniya.

Hindi naman siya sinagot ni Stacey at matalim na lang akong tiningnan. "Linisin mo ang room 16, 26 at 36!" nagngingitnit niyang usal saka kinuha sa kanyang bulsa ang mga keycard nang nabanggit na silid.

Padaskol niya iyong inabot sa akin at saka ako tinalikuran. Napahilot ako sa aking noo at tumingin kay Ken na ngayo'y nakanguso habang nakamasid sa babaeng naglalakad palayo.

"Konti na lang iisipin ko ng kasama sa kampon ni Satanas 'yang ex-nililigawan mo. Ano't puro may six ang number ng room na ibinibigay sa akin," maktol ko.

Doon ay hindi niya naiwasang tumawa saka ako tinapik sa balikat. "Isipin mo na ngayon." Isang malakas na halakhak ang pinakawalan niya at kinuha ang isang keycard sa akin. "Hatian na kita tutal kasalanan ko kung bakit binugahan ka niyon ng apoy."

I rolled my eyes and went to my housekeeper trolley. "Alam mo, ligawan mo ulit siya. Baka mamaya mag-menopause na iyon. Hindi ka na magkaanak sa kanya," nakangiwing saad ko.

"Ayos lang basta magkasama kaming dalawa," tugon ni Ken.

Walang buhay akong ngumiti habang inaayos ang mga gagamitin kong panlinis. "Iyan din ang sabi ko noon. Pero may mga pagkakataon din pala na kakailanganin mong humiwalay dahil unti-unti kang mauubos sa pagsasama niyong dalawa," bulong na anas ko.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now