CHAPTER 42

221K 7K 3.3K
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Wala pa man akong ginagawa ay tila nabugbog na ang katawan ko sa pag-iisip.

"Jazzie!" masiglang salubong sa 'kin ni Ken nang pumasok ako sa silid naming mga trabahante.

Agad namang kumunot ang noo ko sa siglang ipinapakita niya. "May 13th month pay na?" tanong ko.

"September pa lang, Jazzie. Naghihirap ka na ba?" sarkastikong sagot niya at saka ako hinila patungo kung saan. "Pero sa dami nang ipinadala sa 'yong pagkain, para ka na ring nagpasko," aniya at itinuro ang lamesang ginagamit namin.

Napaawang naman ang labi ko at napatitig sa mga pagkain na nakahain doon. May kanin, adobong manok, pritong itlog, bacon, hotdog, pasta, salad at...

"Lechon?" bahagyang tumaas ang tono ko nang nakita ang lutong biik.

"Dinala 'yan kanina ng isang lalaki," sambit ni Ken.

Humarap ako sa kanya at pinilit ang sarili ko na umakto ng normal kahit pa luluwa ang puso ko sa kaba.

"K-Kilala mo?" usisa ko.

"Hindi, eh. Naka-uniporme lang siya, hindi ko alam kung driver ba 'yon o security guard," tugon niya.

Jaime.

On cue, we heard a knock on the door. Sabay kaming lumingon doon ni Ken. Base pa lang sa narinig kong singhap mula sa kanya ay nakumpirma kong si Jaime nga ang nagdala ng mga pagkain.

"Nakalimutan ko po ulit." Mabagal siyang pumasok at naglakad papunta sa akin, tulad kahapon ay may bitbit siyang kumpol ng puting rosas. "Pinabibigay po ni Señior," aniya.

Napatiim-bagang ako at walang imik na tinanggap ang bulaklak.

"Can I have his contact number?" Astang tatalikod si Jaime nang natigilan sa biglaan kong pag-imik.

Bakas ang gulat sa kanyang mukha nang lingunin niya akong muli. Halos tatlong segundo pa ang lumipas bago siya nakakilos. Mula sa kanyang bulsa ay inilabas niya roon ang isang pitaka, pagkatapos ay bumunot ng isang parisukat na papel.

"Ito po ang business card ni Señior," saad niya.

Simpleng tango lang ang ginawa ko kasabay nang pagtanggap sa papel. Saglit pa akong tumitig doon at saka ipinasok sa bulsa ko. Naghintay naman si Jaime sa harapan ko para sa iba kong pang ipag-uutos.

"You may go," I said.

Isang beses siyang umatras saka yumuko bilang pagpapakita ng respeto bago tuluyang tumalikod at lumabas ng silid.

"Jazzie, mayaman ka ba?" usisa ni Ken na nakakuha ng atensyon ko.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "Anong tanong 'yan?" balik kong tanong imbes na sagutin siya.

Nagsimula akong lumakad patungo sa lamesa para maiwasan ang paninitig ni Ken.

"Bakit gano'n ka itrato ng lalaki na 'yon?" pangungulit niya.

"Siyempre maganda ako. Ang mga magaganda literal na iginagalang," pagsusumubok kong magbiro at saka umupo sa upuan. "Alam mo, kumain na lang tayo. Kung anu-ano 'yang mga iniisip mo."

Sandali pa akong tinitigan ni Ken saka sumunod sa pag-upo.

"Ia-add friend sana kita kahapon sa facebook," paglalahad niya pagkatapos sumandok ng kanyang pagkain.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now