CHAPTER 50

216K 6.8K 1.3K
                                    

It's been an hour since we got home. Gano'n rin katagal na palihim kong pinanunuod si Valjerome at 'yong babae sa ibaba mula sa ikalawang palapag kung saan ako nakatayo. Jaime was also there. Kung pagbabasehan ang nakikita ko ay para bang malapit sa kanila ang babae.

I bit my lower lip when Valjerome smiled at her, then lowered his gaze to her tummy. Malayo man ako ay kita ko ang banayad niyang paninitig doon. Pakiramdam ko ay may kung anong guwang iyong idinulot sa tiyan ko.

Elle...

That's her name. Noong ipinakilala siya sa akin ni Valjerome kanina ay hindi na agad ako mapakali. Aaminin kong naghintay ako ng iba niya pang sasabihin; kung kaibigan niya ba ito, katrabaho, karelasyon o... ina ng magiging anak niya. But that didn't come. Hindi rin ako sigurado kung makakaya ko bang marinig sakaling kumpirmahin niya ang hinala ko kaya naman namaalam agad ako na iaakyat ko si Erom sa kwarto para makapagpahinga.

I let out a deep sigh and decided to go back to my room with a heavy heart. Gusto kong manumbat, magmukmok, manigaw.

'How mature, Jazzie.' I sarcastically thought.

Imbes na magpakalunod sa pag-iisip ay tinabihan ko na lang ang anak ko na kasalukuyang natutulog. I shut my eyes and tried my best to sleep, luckily, I did it after so many minutes of attempt.

A few hours passed. Naalimpungatan ako sa munting paggalaw ng kama, amoy pa lang niya ay nakikilala ko na kung sino iyon. Pinanatili ko namang pikit ang aking mga mata habang nakikiramdam sa kanyang mga kilos.

I felt him laid down beside our son. Pagkatapos niyon ay nahigit ko ang aking hininga nang may humawak sa kamay ko. Dinala niya iyon sa tiyan ng anak ko at mahigpit na pinagpulupot ang aming mga daliri, tulad no'ng minsan kaming natulog na magkakakasama. Parang hinaplos ang puso ko sa sandaling iyon. Pakiramdam ko ay tulad ng anak ko, sinusulit niya ang mga oras na magkakasama kaming tatlo. Na para bang ayaw niya kaming pakawalan pero kailangan.

Ang agam-agam ko kanina ay sandaling nawala, napalitan iyon ng lungkot at kapayapaan. Nakakatawang isipin na maaari mo pala iyong maramdaman nang magkasabay. Lungkot dahil sa sitwasyon at kapayapaan naman dahil nandito siya kasama namin. Tipid akong ngumiti nang naramdaman ko ang munting pagluwag ng hawak ni Valjerome, gano'n na rin ang maingay niyang paghinga senyales ng kanyang pagkatulog. Marahan kong idinilat ang mga mata ko at maingat na kumilos para mas matingnan siya.

Para siyang normal na tao kapag tulog. Hindi mo iisipin na may mga illegal siyang gawain sa likod ng payapa niyang mukha. Sinubukan kong alisin ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit ang hawak niya roon bago ko pa man maalis.

"Don't leave me..." he said hoarsely, almost begging.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at hindi na gumawa pa ng anumang kilos. I just stared at his face and sighed deeply after a few minutes. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak habang nakayakap kay Erom.

I admit... I like this. I like the feeling that we are together again with our child, but I am afraid.

Takot ako na magtiwala ulit, takot ako na umasa, takot ako na magkamali. Paano kung... nandito pa rin? 'Yong sakit, 'yong galit, na akala ko ay wala na. Ayaw kong paasahin ang anak ko. Gusto ko man na tuparin ang mga kagustuhan niya ay ayaw ko rin na madala sa mga inaakala ko. Naiintindihan ko ang mga rason ni Valjerome, tao lang din siya na nagkakamali sa padalos-dalos na desisyon. Pero paano ako? Paano ako na naapektuhan at nasira sa maling desisyon na iyon. Oo, nambabae siya para mapalayo ako. Ngunit... nasaktan na ako. Habambuhay kong dadalahin ang katotohanan na nagkaroon siya ng iba, na nakipagtalik siya sa mga babaeng dinala niya.

Si Elle... siya ang patunay ng mga takot ko. Siya ang patunay kung paano ako nawasak ng nakaraan namin. Ayaw ko man pero kusang nag-iisip ang utak ko ng mga negatibong bagay. Gustuhin ko man na magtanong pero 'di ko kayang magtiwala sa isasagot niya. Pakiramdam ko ay anuman ang isagot niya ay isip ko pa rin ang paniniwalaan ko sa huli.

Habang nalulunod ako sa pag-iisip ay hindi ko napigilan na mapaluha. Gusto ko... gusto kong bumalik siya sa buhay ko. Iyon ang totoo na napagtanto ko kanina sa sasakyan. Pero kakayanin niya ba? Kakayanin niya bang pakisamahan ako kung ganito na ako ngayon? Kakayanin niya bang pagtiisan ang mga pagdududa ko?

Pinahid ko ang luha ko gamit ang isa kong kamay at maingat na kumalas kay Valjerome. Nang nagawa ko iyon ay marahan akong bumangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Sandali ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin nang biglang pumasok sa isip ko ang teleponong ibinigay ni Manang noong nakaraan.

Tahimik akong kumilos nang nakalabas ako ng banyo. Kinuha ko ang cellphone sa bedside drawer saka nagpunta sa balkonahe para hindi makagawa ng anumang ingay. Patay ang telepono kaya naman binuhay ko iyon, bahagyang nangunot ang noo ko nang nakita ang picture ng isa sa mga kasambahay ni Valjerome noon sa wallpaper.

What should I do with this?

Una kong pinindot ang messaging app, nagbabakasakali na naroon ang tinutukoy ni Manang pero malinis iyon. Wala ni anumang mensahe. Sunod ko namang pinindot ang gallery. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil isa lamang ang laman niyon. I mean, yeah. Hindi lahat ng babae mahilig mag-selfie, pero siyempre, siguro naman ay may mga magagandang tanawin siyang gustong litratuhan.

Desisyon ka, Jazzie?

Imbes na mamroblema ay pinindot ko na lang ang nag-iisang video na laman ng kanyang gallery. Unang tumambad sa akin ang mukha ng dating katulong ni Valjerome, inaayos nito ang camera at saka lumayo nang naging steady na ang video. Agad akong napatuwid sa pagkakatayo nang nakita ang pamilyar na mukha ni Valjerome roon. Nakaupo siya sa one seater couch habang naninigarilyo. They were in his room. My heart sank thinking that it was some kind of sex video.

"Shall we start?" malanding ani ng babae kay Valjerome.

Hindi man gano'n kalapitan ang video ay nakikita ko ang malamig na ekspresyon ni Valjerome. The girl began stripping. Parang tinutusok-tusok ang puso ko habang pinanunuod ang paninitig ni Valjerome sa hubad na katawan ng babae.

He puffed his cigarette for the last time before putting it to the ashtray. Nagsimulang tumulo ang luha ko nang walang emosyon siyang tumayo. Slowly, he took his coat off. I shut my eyes tight when he started walking towards the girl, with my trembling hand, I put the phone down.

Hindi ko kaya... hindi ko kayang makita kung paano siya maaangkin ng iba.

Asta kong papatayin ang cellphone nang natigilan ako sa nakita. Lito akong napatitig doon.

What just happened?

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now