CHAPTER 28

249K 10.1K 4.9K
                                    

"Pull it, pull the trigger," Valjerome said weakly as he stared at me.

I didn't move for a second, I just remained standing, still pointing the gun under his jaw, staring at his bloodshot eyes. Naninibago sa emosyong ipinapakita niya.

I flinched when he held my hand. Idiniin niya lalo sa ilalim ng kanyang panga ang baril na hawak ko.

"Patayin mo 'ko, anumang oras ay makakaalis ka sa pamamahay ko. Pero hangga't buhay ako, mananatili kayo rito ng anak ko," pinal na wika niya.

Humigpit ang hawak ko sa baril. Nagsimulang mag-init ang sulok ng aking mga mata dahil sa frustrasyon at galit.

"Anak ko, Valjerome. Akin lang siya. Mula no'ng araw na utusan mo akong ilaglag siya ay tuluyan ka nang nawalan ng karapatan sa kanya," mariin kong saad.

Once again, he pushed my hand closer to his jaw and slowly shut his eyes. "Ibabalik ko ang karapatan kong iyon, kung ayaw mo. Feel free to kill me right at this moment."

Napatiim bagang ako at ilang segundo na tumitig sa kanya.

"Are you really this ruthless?" I uttered and let my tears streamed down to my cheeks.

Marahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Namumungay iyong tumitig sa akin habang sinusunson ang pinaglakbayan ng luha ko.

"I just want to be with my child, Jazzie," namamaos na sambit niya.

I laughed emptily and loosened my gripped to the gun. Nanghihina akong dumistansya sa kanya at umiling.

"Ni katiting na segundo, Valjerome. Wala kang karapatan na makasama ang anak ko."

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata. Tila ba anumang oras ay tuluyan nang lalaglag ang namumuo niyang luha.

Hindi ko alam kung umaarte lang ba siya o totoo lahat nang pinakikita niya ngayon. Kung totoo man ang lahat ng ito, wala akong magagawa para sa kanya. Anak ko ang usapan dito, kung nasasaktan siya sa mga ginawa at ginagawa ko ay dapat lang iyon sa kanya.

Hindi kailanman pumasok sa isip ko ang maghiganti. Mula nang umalis ako sa puder niya ay tanging tahimik na buhay lang ang hinangad ko sa kabila ng galit at hinanakit ko sa kanya. Kung nasasaktan siya ngayon, kulang pa iyong karma para sa desisyong ginawa niya noon.

"I am still his father, Jazzie," he reminded again.

"HE'S NOT YOUR SON!" Dahil sa halu-halong emosyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na kalabitin ang gatilyo ng baril na hawak ko.

Umalingawngaw iyon sa buong silid kasabay nang pagbagsak ni Valjerome sa sahig.

Natigilan ako at nanigas sa 'king pwesto nang nakita ko ang unti-unting pagkalat ng dugo sa kanyang binti. Inaasahan kong dadaing siya sa sakit pero nakatingin lang siya sa akin. He looked at me painfully, as if what I did was more painful than his wound.

Nangangatal kong binitiwan ang baril. Slowly, I realised what I did since I entered his office. I'd been physically hurting him since earlier, my anger towards him ate my whole system.

"MOMMY!"

My eyes widened when I heard Erom shouted. Gano'n din si Valjerome. Halos sabay kaming kumilos dalawa at nagmadaling lumabas ng silid.

"Erom?!" I panicky yelled as Valjerome and I took our steps downstairs.

Naunang nakababa si Valjerome at sinalubong ang anak ko na umiiyak, dahilan para matigilan ako sa 'king paghakbang.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα