CHAPTER 11

244K 7.5K 2.5K
                                    

"M-Mr. Montevardo, pwede po ba na medyo... igitna niyo po si Ms. Zamora?" nag-aalangan at nangangambang wika ng photographer.

"Misis," mariin na bulong ni Valjerome at ginawa ang kabaligtaran na utos ng photographer.

He pulled me closer to his body. Wala sa sarili akong napabuntonghininga dahilan para tingnan niya ako.

"Val, this is a triple shoot. Ang pose natin for this ay pinanggigitnaan niyo ako ni Chaos, hindi sinosolo," I simply murmured.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Valjerome sa balakang ko. Bahagya siyang yumuko sa tainga ko para bumulong.

"I will kill him before he touch you," nagngingitngit niyang anas.

Marahan akong napailing. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa ginagawa niya o matuwa sa atraksyon na ibinibigay niya sa akin. Dahil tanga ako, mas ginusto kong gawin ang pangalawa.

Hindi naman siguro masama ang umasa?

"Hindi matatapos ang shoot na ito, Val. Kahit ngayon lang, act like a professional model. Tutal kinarir mo na ang pagiging modelo, sulitin mo na," pigil ngiti kong wika sa huli. Pilit ginagawang seryoso ang tono ko.

"But—"

I glared at him. Ito ang unang beses na ginawa ko iyon ng hindi dahil sa galit o sama ng loob.

"Fine," he said, defeated.

Mabagal niyang kinalas ang kanyang kamay sa bewang ko at tumingin nang masama kay Chaos na nasa kabilang gilid ko. Halos kitang-kita ang distansya namin mula sa kanya. Paano ba naman, kada malalapit siya ay hihilahin ako ni Valjerome palayo.

"Let's start," I said to the photographer and fiercely looked at the camera.

"So possessive, Mr. Montevardo. Baka ayawan ka agad ng asawa mo niyan," I heard Chaos whispered as he slowly touched the left side of my face.

Mula sa gilid ng paningin ko ay nakita ko ang pag-igting ng panga ni Valjerome habang nakatitig sa daliri ni Chaos na nasa pisngi ko. He shut his eyes tight and did the same to the opposite side. Pareho na sila ngayong nakahawak sa pisngi ko habang nakatitig sa akin.

"I'm just protecting what is mine," Valjerome coldly uttered.

"Perfect!" the photographer commented.

Chaos scoffed and tilted his face closer to my neck. "Protecting?" he mocked.

"Subukan mo lang ilapat 'yang marumi mong bibig sa balat ng asawa ko, hindi kita palalabasing buhay rito," malamig na banta ni Valjerome.

I held my breath when instead of posing the same as Chaos, he buried his face on my neck. Wala sa sarili akong napapikit nang marahan niyang sinipsip ang balat ko roon.

"BRAVO!"

Sigaw ng photographer ang siyang nakapagpabalik sa katinuan ko. I distanced myself at my husband and acted normal. Naroon ang hiya sa dibdib ko habang nakikita ang nanunuksong ngiti ng mga nakapaligid sa amin. Lalo na si Azy na halos mangisay sa kanyang pagkakatayo.

"Let's wrap this up. Okay na ito saka 'yong mga naunang pictures," saad ng photographer.

I gasped when Valjerome pulled me closer to him. "Pwede ka nang lumayo sa asawa ko," aniya kay Chaos.

I unconsciously swallowed and calmed my heart that was beating so damn fast at this moment.

Asawa.

Hindi ko na matandaan kung ilang beses na niya akong tinatawag na asawa o wife mula no'ng may nangyari sa aming dalawa. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan at magalak sa tuwing naririnig ko iyon mula sa kanya.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora