CHAPTER 8

282K 8.8K 8.7K
                                    

(WARNING: MATURE CONTENT 🔞. I can see you smiling, bish! 🙄)

"Valjerome, let me go! Ano ba? Saan mo ba ako dadalahin?" Pilit kong hinahablot ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Kalalabas lang namin ng kotse at agad niya akong kinaladkad papasok ng bahay. Ramdam ko ang gigil niya base na rin sa mariin niyang paghawak sa akin.

Bahagya niya akong itinulak sa hagdanan at tumuro sa itaas. "Go to your room!" his voice echoed all over the house.

Ramdam ko ang takot ng mga katulong at tauhan niya. Sino'ng hindi? Ito ang unang pagkakataon na nagalit siya ng ganito.

"Ano ba'ng problema mo?!"

"I said fvcking go to your room, Jazzie! Huwag mong pinapainit ang ulo ko!"

I scoffed and laughed sarcastically. "Wow, ikaw pa talaga ang nagsabi niyan. Tingin mo lumalamig ang ulo ko sa ginagawa mo?!" Dinuro ko siya sa kanyang dibdib. "You're acting like a jealous husband kahit ang totoo ay wala kang pakialam sa akin! Are you this ruthless, Valjerome? Pinapaasa mo ako!"

I saw his jaw clenched. Pareho kaming naghahabol ng hininga dahil sa pagsigaw habang hindi inaalis ang paningin sa isa't isa.

Few seconds later, he shut his eyes and sighed deeply. "Just go to your room," he said.

Mangiyak-ngiyak naman akong umiling. As usual, he didn't answer again.

"I will fvcking leave this house for a while," usal ko saka siya tinalikuran at mabilis na umakyat paitaas ng hagdanan.

Hindi ko maiwasan na maluha habang naglalakad. Sa loob ng ilang taon naming pagsasama ay hindi ko talaga mahulaan kung ano ang nararamdaman niya sa akin. Malinaw na wala siyang pakialam ngunit sa mga ganitong panahon ay hindi ko maiwasan na umasa. Sinuman ang ilagay sa sitwasyon ko ay maniniwala sa ilusyong binubuo ng aking utak.

Asta kong bubuksan ang pinto ng kwarto ko nang may humatak sa akin at isinandal ako sa gilid ng pader.

Ilang beses akong napakurap nang nagtama ang paningin namin ni Valjerome. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya samantalang gulat naman ang reaksyon ko.

Nakasunod ba siya sa akin?

"Hindi ka aalis," namamaos ngunit maawtoridad niyang utos.

Doon ay muling nanumbalik ang galit sa 'king sistema. Sinubukan ko siyang itulak pero hinuli niya lang ang mga kamay ko at itinaas iyon sa aking ulo.

"Let me go, Valjerome," I hissed.

"You're not leaving this house," aniya.

I gritted my teeth. "At ano? Pagtitiisan ko na makita ka lagi?"

"Bakit sino pa ba ang gusto mo pang makita? Tell me and I will kill him this instant," mabilis niyang sagot.

My mouth parted with disbelief. "You're confusing me, Val. Big time," I stated.

He stared at me. "Do you really want to leave me?" he said, almost whispering.

Napipilan naman ako at hindi agad nakasagot. Ang kanina kong pinal na desisyon na magpalipas muna ng panahon ay tila naging isang tanong sa isip ko.

"M-Magpapahangin lang ako..." I murmured and averted my face.

"You will still leave me," he said hoarsely as if he was in pain.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon