CHAPTER 21

235K 8.1K 3.2K
                                    

"What do you want?" seryosong wika ko nang nakalabas kami ng opisina.

Wala na akong nagawa pa no'ng may-ari na mismo ng hotel ang nagdesisyon para sa akin. Hindi naman ako makatanggi dahil ayaw ko na ring palakihin ang lahat.

Bakit ba nagpapaapekto ako? I could act civil for Pete's sake.

Sino ba siya sa buhay ko? He's just my ex-husband.

He stood up straight and lazily scanned me from head to toe. "You've changed a lot, huh?" he said mockingly.

Pakiramdam ko ay ang posisyon ko ang tinutukoy niyang nagbago.

"What do you want? And wait, sinusundan mo ba ako?" Bahagya akong kinabahan nang pumasok sa 'king isip ang ideyang iyon.

He scoffed. "I did not follow you," he answered and licked his lower lip. "Aren't you happy to see me?" His side lips rose.

"Bakit naman ako matutuwa na makita ka?" agad kong balik.

He shrugged and put his hand in his pocket. "Maybe... you miss me," I heard him murmuring before he started walking.

Ang kapal ng mukha ng lalaking ito.

Kinontrol ko ang aking paghinga saka sumunod sa paglalakad niya. Nakita ko pa ang pagsalubong ni Jaime sa dati kong asawa at bahagyang natigilan nang nakita ako.

Yeah, surprise.

Nakagat ko ang ibaba kong labi sandaling lampasan ko siya. He bowed to me as if I was still a respected wife of his master.

We silently walked into his suite. Hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa kanya kahit pa hindi niya naman sinasabi. Siguro dahil gusto ko rin siyang kausapin para matigil ang kahibangan na ito.

He took off his coat and threw it on the couch. Saglit pa siyang tumingin sa akin saka pandekwatrong umupo.

He changed a lot too. Mas naging maskulado ang katawan niya bukod doon ay nagpahaba rin siya ng buhok.

"Kung iniisip mo na sinadya ko ang lahat ng ito, nagkakamali ka," aniya sa walang emosyong tono.

Umismid ako at pinagkrus ang mga braso ko. "Pigs can fly," I uttered. "Kaya pala ako mismo kinuha mong assistant kuno."

He smirked and leaned on his seat. "Ikaw ang kinuha ko para maging madali ang lahat sa akin. Alam mo ang trabahong ginagawa ko kaya hindi kita kailangang ligpitin pagkatapos," saad niya.

I gritted my teeth and controlled my anger. "Napakadali lang talaga sa 'yo na pumatay, 'no?" sarkastiko kong sambit.

His eyes went cold. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pag-igting ng kanyang panga.

'Calm down, Jazzie. This is not the right time to burst your anger.' I mentally noted to myself.

"Clean my suite," he said, emotionless, then stood up from his seat.

Walang imik siyang nagtungo sa silid at iniwan akong mag-isa sa living area. Mariin naman akong pumikit at kinontrol ang aking paghinga. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa frustrasyon.

You can do this, Jazzie. Saglit na pagtitiis lang.

Pagkatapos ng ilang segundong paghinga nang malalim ay nagsimula na akong kumilos. Kinuha ko ang extrang basahan at pinunasan ang mga dapat punasan. Walis dito, map doon, vacuum dito, punas doon, tipikal na gawain ko sa araw-araw.

Hindi naman ganoon karumi ang suite pero sinigurado ko na rin na wala siyang maipupuna sa 'kin. Nagtatali ako ng basura nang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid. Hindi ko siya nilingon at ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa.

"Here," I heard him speaking from behind.

Natigilan naman ako sa pagkakabigla dahil sa lapit ng agwat niya sa 'kin sandaling lingunin ko siya.

"It's yours," he talked again.

Doon ko lang nagawang pagmasdan ang inaabot niya sa 'kin—ang kwintas ko.

Pilit kong binura lahat ng emosyon ko saka humarap muli sa basurahan. "Take it. I don't need that anymore," I uttered and took the garbage out from the trashbin.

Asta akong lalakad palayo nang naramdaman ko ang paghawak niya sa 'king braso.  Agad kong iwinaksi iyon at matalim na tumingin sa kanya.

"DON'T. TOUCH. ME. VALJEROME," mariin kong usal.

Para naman siyang nagulat sa inasta ko base sa pagtaas ng kanyang balikat at bahagyang panlalaki ng kanyang mata. Agad din naman siyang nakabawi at saka nilaro ang kwintas sa kanyang kamay.

"Why do you still have this then?" he asked, acting confused.

"Isasangla ko kapag nagipit ako," mabilis kong tugon. "Diamond, eh. Alangan namang itapon ko ay may pakinabang pa naman kahit papaano."

You can't beat me this time.

Valjerome's jaw clenched as his eyes went darker. "Nasaan ang perang ibinigay ko sa 'yo noon?"

I automatically raised an eyebrow. "Why do you care? Pera ko na 'yon."

He shut his eyes and took a deep breath. Hindi ko alam kung galit ba siya na nagkokontrol o napipikon. Alin man sa dalawa, wala akong pakialam.

"Get me a cup of coffee," aniya.

I looked at him with disbelief.

"What? I told you, I get you to be my P.A," he pointed out.

Palihim akong nagtiim ng bagang. "Hindi ko alam na kasama pala ang pagtitimpla ng kape," sarkastiko kong sambit.

"It's all around," he stated.

Hindi na ako nakipagtalo pa at walang salita akong naglakad palabas ng suite niya. Nakita ko pa si Jaime sa gilid ng pintuan na siyang nakabantay sa kaligtasan ng kanyang amo.

"Hindi mo na kailangang bantayan 'yan. Maski daga ay kusang tatakbo kapag nakita siya," asar kong wika sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakaka-anim na hakbang pa lang ako nang narinig ko ang  paghabol ni Jaime. Kunot-noo ko siyang nilingon.

"Pasaan daw po kayo?" magalang at pormal na tanong niya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Kukuha ng kape para sa masamang damo na nasa loob ng silid na binabantayan mo," diretyo kong sagot.

Alanganin siyang humawak sa kanyang batok. "Ma'am... may kape po sa loob ng suite."

Unti-unting rumehistro ang lahat sa 'kin. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko habang naiisip ang sarili kong katangahan.

"Kapeng may lason ang ibibigay ko sa kanya, bakit ba?" mataray kong sambit at mabilis na tumalikod.

Halos lakad-takbo ang ginawa ko para lamang makalayo agad sa lugar.

Damn, Jazzie. You fvcked up.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang tumunog ang aking telepono. Kinuha ko iyon sa 'king bulsa at saka tingnan. Nanlaki ang mga mata ko nang nabasa ang mensahe ni Chaos, doon ko pa lang naalala ang isang bagay.

Papunta na sa school ang driver para sunduin si Erom. Doon na siya maghihintay. I will message you kapag papunta na sila riyan para masalubong mo.

Ang anak ko!

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now