CHAPTER 26

243K 8.3K 3K
                                    

"W-What the hell are you talking about? H-hindi ba at sinabi ko na sa 'yo na 'wag mong guluhin ang pamilya ko dahil diyan sa paniniwala mo?" pilit kong pagpapatapang sa boses ko.

His lips formed a smirk. Mabagal siyang humakbang palapit sa 'kin at inilapit ang kanyang mukha sa bandang tainga ko. Halos mabuwal ako sa kilos niyang iyon kundi niya lang ako nahawakan agad sa bewang.

"You're a good model, Jazzie, an actress also. But unfortunately, our son got all my features," he whispered. "I totally believed on your lies. Kahit halos makita ko ang sariling mukha ko sa anak natin, pinaniwalaan kita."

Bahagya niyang idinistansya ang sarili sa akin ngunit nanatili pa ring nakapulupot ang kanyang braso sa bewang ko. He then stared at me.

"Kung hindi dumating ang resulta ng DNA test kanina ay baka naitago mo na naman siya," aniya at saka ibinaba ang kanyang paningin sa mga maletang dala ko.

My face went pale after hearing his words. "H-hindi mo siya anak," patuloy kong pagpapanggap.

He scoffed. Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang braso sa akin.

"We'll talk about this at home," he said in a dismissive tone.

Agad akong kinain ng kaba. Ginamit ko ang natitira kong lakas para itulak at kumawala sa kanya.

"Sino'ng nagsabi sa 'yo na sasama kami ng anak ko?!" hindi ko naiwasan na pagtaasan siya ng boses.

He lazily put his hand on his pocket then glanced at his men. "Try me, Jazzie," he uttered when his eyes went back to me, giving me hints to his next step.

I was about to speak when I heard a little footstep. Mabilis kong nilingon ang anak ko na kasalukuyang naglalakad patungo sa aking direksyon. His brows furrowed after seeing Valjerome in front of me.

"Mom, siya po ba ang susundo sa atin?" inosenteng usisa ng anak ko.

Dahil sa labis na takot ay agad ko siyang kinarga at mahigpit na niyakap.

"Yes, I am here to pick you up," Valjerome spoke gently.

I glared at him. Sa kabila ng nararamdaman kong pangamba ay hindi ko pa rin maiwasang ipakita sa kanya ang galit ko.

He just looked back at me, giving that warning look, then stared back at my son. Malamlam ang kanyang mga mata habang nakamasid sa anak ko na ngayo'y nakatitig lang din sa kanya.

"Aren't you Mom's boss, Sir?" Erom asked politely.

I saw Valjerome gulped and opened his mouth to speak, but unfortunately, he could not say anything.

Why is he acting like this? Why is he doing this? What does he want?

"Yes, I am," he answered hoarsely afterwards.

"Aalis na po ba tayo?" usisa ulit ng anak ko.

Marahan na tumango si Valjerome saka ako nilingon. Ang kanyang malamlam na mga mata ay gano'n na lang kabilis naglaho sandaling tumapat iyon sa 'kin.

"Aalis na TAYO," he emphasized then turned his back against us.

Nagsimula siyang maglakad ng hindi kami nililingon. Gano'n pa man ay hindi umaalis sa kanilang pwesto ang kanyang mga tauhan.

Gusto kong tumutol. Gusto kong magwala. Pero ano'ng laban ko? Bukod sa maraming nakakalat na tauhan si Valjerome ay ayaw ko ring matakot ng husto ang anak ko sa mga pupwedeng mangyari.

Wala na akong nagawa pa kundi ang saraduhan ang pinto ng condo at sumunod sa nilakaran ni Valjerome. Iniwan ko na ang mga maleta dahil alam kong kusa iyong bibitbitin ng mga nakakalat niyang tauhan. Hindi ako nagkamali nang naramdaman ko ang pagsunod nila sa amin bagamat nakadistansya sila ng ilang metro. Iba't ibang eksena ang pumapasok sa isip ko sa bawat hakbang na ginagawa ko, mga eksena na nagdudulot ng mga negatibong pakiramdam sa 'king dibdib.

"Mom, are you okay?" Erom asked when he noticed my silence.

Pilit akong ngumiti sa kanya at tumango. "Medyo masama lang ang pakiramdam ni Mommy," pagsisinungaling ko.

"I thought we're going on a vacation, Mom?" nagtatakang usal ng anak ko. "Bakit po kasama natin ang boss mo?" dagdag niya.

I bit my lower lip and averted my eyes. "Medyo nagkaroon lang ng konting emergency, anak. But don't worry, saglit lang natin siyang makakasama."

He gave me a small nod. "It's okay. He seems good naman po," Erom mumbled.

I badly want to correct my son regarding on what he said, but I don't want to confuse him at his young age. Ayaw kong bahiran ng kasamaan ang namulatan niyang magandang mundo.

Ngumiti na lang ako at kinimkim ang mga gusto kong sabihin. Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na kaming nasa harapan ng isang limousine. Kita ko ang pagkamangha ng anak ko habang nakatitig sa sasakyan.

Lumapit si Jaime sa amin, bahagya siyang yumuko at saka muling tumayo nang maayos bago kami pinagbuksan ng sasakyan. Agad kong natanawan si Valjerome sa dulong upuan.

Hindi pa sana ako papasok kung hindi lang siya lumingon sa direksyon namin ng anak ko. Marahan akong umupo at isiniksik ang sarili sa gilid habang kandong ko si Erom sa kabila nang malaking espasyo sa pagitan namin. Alam kong napansin niya iyon ngunit hindi na pinuna pa.

Nagsimulang umandar ang sasakyan. Pilit kong ikinalma ang nagwawala kong dibdib at itinuon na lang ang atensyon sa labas ng bintana. Paminsan-minsan ko ring pinagmamasdan ang anak ko na patuloy na namamangha sa loob ng sinasakyan namin.

"Mom," he spoke lowly.

"Hmm?"

Sumiksik siya sa bandang leeg ko at bumulong. "I also want a car like this," he murmured.

Nakagat ko ang ibaba kong labi habang iniisip na nagsisimula nang mangarap ng ibang bagay ang anak ko. Parang kailan lang no'ng halos pagkain lang ang hilingin niya sa akin ngayon ay alam na niya kung alin ang mga bagay na nagiging maganda sa paningin niya.

"You want this?"

I stiffened when Valjerome spoke. Nilingon siya ni Erom na sinundan ko ng tingin. He's staring on us—no, he's staring at my son. Pakiramdam ko ay kanina pa talaga siyang nakatingin kay Erom, tila pinagmamasdan at sinasaulo ang galaw ng anak ko.

Erom slowly nodded his head. "Is this expensive po?"

"It is," Valjerome answered. "But then, I will give this to you for free," he added.

My son's jaw dropped. Maski ako ay laglag pangang napatitig kay Valjerome. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya, nagagalit, napipikon, dahil wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya habang nakatitig sa anak ko.

"Really?!" hindi naiwasan ng anak ko na mapahiyaw sa galak.

"Erom," agad kong suway saka matalim na tiningnan si Valjerome.

He didn't bother to give me a damn, instead, I saw him took his phone out from his pocket. May pinindot siya roon pagkatapos ay itinapat niya ang telepono sa kanyang tainga.

"Transfer my limo to Jace Erom..." he trailed off when he was about to speak my son's surname. "Hevion," he continued.

Napaiwas ako ng tingin nang natuon sa akin ang mga mata niya. Para bang naninisi iyon sa desisyong ginawa ko. Ibinaba niya ang tawag pagkatapos saka muling tumingin sa anak ko.

"This is now yours," Valjerome stated.

Erom gasped and shook my body. "Mommy, did you hear that? Your boss just gave me a car!"

Hindi ko alam ang isasagot sa anak ko. Isang tango na lang ang nagawa ko at napatingin sa labas ng bintana dahil sa pag-iinit ng sulok ng aking mga mata.

I felt helpless. Gusto kong ialis ang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ni Valjerome pero isa lang ang sigurado ako.

My son is in danger.




***
(A/N: From now on, magsisimula akong mag-mute ng acc kapag may nakita akong nakaka-off na comment. Again, tulad nang sinabi ko. May mga responsabilidad din po ako bilang ina at asawa. Naglalaba, nagluluto, nagliligo ng mga anak, nagmo-module at marami pang iba. Kung nababagalan pa po kayo sa daily updates na ginagawa ko. Feel free to leave this acc. Thank you❤️)

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now