CHAPTER 27

244K 9.3K 3.7K
                                    

"Whooa!" manghang usal ng anak ko nang lumabas kami ng sasakyan. "It's huge," sunod niyang puna sa mansyon ni Valjerome.

Ako naman ay hindi nakapagsalita at napatitig na lang sa bahay.

It's been six years...

Anim na taon mula nang umalis ako sa pamamahay niya...

Mapait akong napangiti at iwinaksi lahat ng alaala na pumapasok sa isip ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Erom nang naglakad na si Valjerome papasok sa bahay niya.

"Mom, hindi pa po ba tayo susunod?" usisa ni Erom nang nanatili kami sa aming pwesto.

I shut my eyes and took a deep breath. Pagkatapos ay bahagya akong lumuhod sa harapan ng anak ko para harapin siya. I gently touched his face and gave him a small smile.

"Erom," I started speaking. "You should behave, okay? Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kanina sa sasakyan. 'Di ba sabi ko sa 'yo noon, hindi ka pwedeng tumanggap ng kahit ano mula sa stranger?" I reminded.

Ang kaninang sigla sa kanyang mga mata ay unti-unting nawala.

"I'm sorry, Mommy," he murmured as he looked at me softly.

Palihim kong nakagat ang ibaba kong labi. Nakukonsensya man dahil alam kong normal na iyon sa isang bata—ang magalak sa mga bagay na ibinibigay sa kanila, ay ipinagsawalang bahala ko iyon.

"Besides..." muli niyang imik at alanganing tumingin sa 'kin. "He's your boss po, hindi po siya stranger," pagpapatuloy niya.

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ng anak ko. Bukod sa may punto siya ay hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.

Pilit na lang akong ngumiti saka muli umayos sa pagkakatayo. "Let's go," anyaya ko imbes na sagutin siya.

Nagsimula kaming maglakad hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok ng bahay. Ang nawalang sigla ni Erom kanina ay muling nanumbalik nang bumungad sa kanya ang malaking espasyo ng mansyon ni Valjerome.

My forehead knotted when I noticed Valjerome's men. Wala silang kahit anong dala na baril, hindi tulad noon. Lihim ko na lang iyong ipinagpasalamat dahil ayaw kong kamulatan iyon ng anak ko.

"Hija," a familiar voice uttered.

Napalingon ako sa direksyon ng boses niya at maluha-luhang ngumiti nang nakita ko ang tanging tao na naging sandalan ko sa lahat noong panahon na nagsasama pa kami ni Valjerome.

"Manang," nakangiti kong tawag.

Hindi ko inaasahan na sa paglipas ng mga taon ay mananatili pa rin siya rito. Kahit papaano ay naibsan ng kaunti ang pangamba ko.

Naglakad palapit sa akin si Manang at binigyan ako ng isang yakap. Niyakap ko siya pabalik gamit ang isa kong braso habang nanatili namang nakahawak sa anak ko ang kabila kong kamay.

"Abay lalo kang gumanda, anak," puna niya sa akin.

My face automatically heated. Napansin iyon ni Manang kaya naman mahina siyang bumungisngis. Sandali pa ay bumaba ang kanyang paningin sa anak ko.

Ang naniningkit niyang mata ay unti-unting lumaki nang natitigan niya si Erom. Pagkatapos ng ilang segundo ay saka siya ulit tumingin sa akin.

"A-Anak ba siya ni—" Mabilis akong umiling hindi pa man natatapos ang sinasabi niya.

She looked at me confused. Malaman naman akong tumingin pabalik para ipaalam na walang alam na kahit ano ang anak ko tungkol sa katotohanan. Naintindihan naman iyon agad ni Manang at bumuntonghininga.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now