CHAPTER 41

226K 8K 2.2K
                                    

"Wow! Para sa 'kin po ba ito, Mommy?" manghang usisa ng anak ko nang nabalik kami ng condo, patukoy sa teddy bear na ibinigay ni Valjerome.

Kauuwi lang namin galing sa unit ni Chaos dahil doon kami kumain ng dinner. Bago ako nagpunta roon ay iniwan ko muna ang mga gamit na dala ko rito sa bahay para wala akong maraming bitbit.

Hilaw akong ngumiti. Nag-iisip ng tamang sagot para sa anak ko.

"Gusto mo ba?" iyon na lang ang nasabi ko imbes na kumpirmahin kung para kanino iyon.

Mabilis na tumango si Erom at niyakap ang malaking teddy bear na mas malaki pa sa kanya. Hindi ko tuloy naiwasan na mapahalakhak nang mahina.

"He's cute!" aniya.

Napaangat naman ang kilay ko at lumapit sa sofa kung saan siya nakapwesto kasama ang teddy bear. "He?" tanong ko. "Paano mo nasabi na lalaki 'yan?" dagdag kong saad.

Erom smiled at me, then pointed something on the collar part of the teddy bear. May asul na ribbon kasi iyong design. Hinawakan niya iyon saka iniharap sa akin.

Ilang beses akong napakurap nang nabasa ang nakatahi roon na salita.

Hope you like him. -V

Hindi ko iyon nakita kanina dahil wala naman ang atensyon ko sa itsura ng laruan. Masyado akong na-focus sa pag-iisip kung bakit niya ako pinadalhan ng bulaklak at teddy bear. Ayaw ko man isipin ay nagmumukha tuloy siyang nanliligaw at hindi ang humihingi ng tawad.

Akala ko ba ay hindi siya naghahabol na magkabalikan kaming dalawa?

"I will name him V!" Erom cheerly uttered.

"What? No!" agad kong pigil.

Nagtataka naman akong tiningnan ng anak ko. Gusto ko tuloy sabunutan ang buhok ko sa biglaang pagtutol.

"I-I mean... maraming magandang pangalan, anak. Sigurado ka na ba riyan?" usisa ko, umaasa na magbago ang kanyang isip.

"But I want to give him that name, mom," Erom answered.

Napahinga na lang ako nang malalim at saka tumango bilang pagpayag.

In the first place, Jazzie. Why the hell are you affected? Ang layo naman ng pangalan niya sa V.

"Come on, Mommy. Let's go to bed, patulugin na natin si V!" puno ng galak na wika ng anak ko at saka bumaba sa sofa.

"What? Bakit mo siya itatabi sa atin?" naroon ang pagtutol sa 'king boses habang nakaturo sa teddy bear.

Muli akong tinitigan ng anak ko na may pagtataka sa kanyang mukha. Marahan niyang pinagkrus ang munti niyang braso at kumibot-kibot ang kanyang nguso, tila inaalam kung bakit ganito ang mga reaksyong ginagawa ko. Ako naman ay napaiwas ng tingin, parang isang bata na nahuli sa kasalanan niyang ginawa.

Damn, my prince. You look like your father.

"Are you mad at V, Mommy?" he asked.

I gulped. "S-sinong V?" pagkaklaro ko.

My son's forehead knotted. "Him." He pointed the freaking teddy bear.

Hindi ko alam kung hihinga ba ako nang maluwag dahil iba ang tinutukoy niya o maaasar dahil iba ang iniisip ko.

"I'm not. It's just... mabalahibo. Baka ubuhin tayo, hikain," pagpapalusot ko.

"Then why did you buy it po?" Erom questioned again.

"I didn't buy it," mabilis kong sagot huli na para mabawi pa.

Mas dumoble ang pagtataka sa mukha ng anak ko. "Then who gave it po?"

Nakagat ko ang ibaba kong labi at umiwas ng tingin. "Y-your father," utal na pag-amin ko. Sandali pa akong tumikhim para patatagin ang boses ko. "I mean... your real father."

Gustuhin ko man na itanggi ay alam kong wala iyong silbi. Gusto ko rin na magsimulang muli, para gawin iyon ay kailangan ko ring ipaintindi sa anak ako ang sitwasyon naming lahat. Hindi lang ako ang kailangang mag-adjust, hindi lang ako ang may kailangan ng katotohanan. Kung may dapat akong isipin ngayon, ang anak ko iyon at hindi ang sarili ko.

Erom didn't speak for a second. Mayamaya pa ay pilit niyang kinarga ang laruan bagamat mas malaki iyon sa kanya.

"Pinadala niya po ba sa akin ito?" umaasa niyang tanong.

Lumamlam naman ang pagtingin ko sa kanya at marahan na umiling. Wala pa man ay ako na ang nasasaktan para sa anak ko.

"Sa akin niya iyan ibinigay bilang paghingi ng tawad, anak," mahinahon kong paliwanag. "But don't worry you can have it." Pilit akong ngumiti para pagaanin ang loob niya.

Nakita ko ang pagbagsak ng balikat ni Erom bilang pagkadismaya sa sagot ko.

"Is he... mad at me?" bulong na tanong niya habang nakayuko.

"Anak," mahinang tawag ko at tumayo para lapitan siya.

Pumantay ako sa lebel niya at bayanad na hinawakan ang kanyang mukha. "He's not, okay? It's just... may mga bagay lang talaga na mahirap ipaliwanag sa ngayon."

"How can you be so sure that he's not mad, Mommy? Ikaw po binibigyan niya pero ako hindi," aniya.

Nakagat ko ang labi ko kasabay nang pagkain ng konsensya sa 'king dibdib. "Alam ko dahil nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa 'yo. Hindi niya magagawang magalit sa 'yo, anak. Magtiwala ka kay Mommy," mahinahon kong saad.

"Then why is he not looking for me? 'Di ba po... hinahanap ng mga daddy ang baby nila, right?"

I embraced my son when I saw his teary eyes. "I'm sorry, anak. He's not doing it because... I forbid him."

"But why?" he murmured.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. "Because I am afraid that I will lose you too," puno ng emosyon kong tugon.

Naramdaman ko ang pagbitaw ni Erom sa laruan na hawak at saka yumakap pabalik sa 'kin. "Why are you afraid, Mommy? Will he hurt me too like what he did to Papa?" he whispered.

I could not answer my child. Hindi ko masagot ang tanong niya dahil kahit ako ay hindi ko alam ang tamang sagot. Kung noon ay gano'n kalaki ang paniniwala ko na sasaktan niya si Erom kapag nalaman niyang nabuhay ang anak ko, ngayon ay naroon sa loob ko ang pagtitiwala na hindi niya ito magagawang saktan.

Marahan akong kumalas sa yakap namin saka siya masuyong tiningnan. Once again, I gently held my son's face and lightly caressed it.

"Hindi ka ba masaya sa Papa mo, anak?" mahinahon na usisa ko.

"I am happy with my Papa, Mommy," he answered, then slowly looked down on his toes. "But... I... also want to know him, mom." He lifted his head and stared at me.

"Can you... allow him to see me, Mommy?" Ang umaasa niyang tono ay hindi nakaligtas sa pandinig ko. "Please?"

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon