CHAPTER 2

302K 9.1K 3.3K
                                    

I sat on the kitchen chair and silently scooped for my food while I was surrounded by six maids. Naghihintay sa mga maaari kong iutos o ipakuha.

Habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko ay hindi ko naiwasang pagmasdan ang mga nakakalat na armadong tauhan ng asawa ko. Isang hilaw na ngiti ang aking pinakawalan at marahan na napailing.

Tulad nang sinabi ko, hindi na ito bago sa akin. Isang boss ng pangkat ng mafia si Valjerome kaya naman napakarami niyang tauhan dito sa mansion; tagaprotekta at tagapatay.

"Be ready."

Nakuha ng boses ng asawa ko ang aking atensyon. Lumingon ako sa kanya at nakita siya na seryosong naglalakad papunta sa pwesto ko. Nakadamit na siya ngayon nang maayos, isang puting vneck shirt at faded maong pants. Gusto ko pang matawa sapagkat kung umakto siya ay para bang wala siyang ginawa ni anong kasalanan sa akin.

I continued eating my food. "For what?" tamad kong wika.

Umupo siya sa katabi kong upuan at sinimulang ayusin ang kanyang pagkain. "It's my parents' anniversary. There will be a masquerade ball and they want us to be there," pormal niyang ani at nagsimula na ring kumain.

Simpleng tango na lang ang ginawa ko at tahimik na sumabay sa kanya. Ganito kami palagi tuwing magkasama. Tila ba estranghero sa isa't isa kahit pa ang totoo ay mag-asawa kaming dalawa.

"Ipahahatid ko sa 'yong silid ang susuotin mo." Tumingin si Valjerome sa akin habang pinupunasan ang kanyang labi.

Tipid na tango lang ang itinugon ko at saka uminom ng tubig sa 'king baso. He was about to stand up from his seat when I lazily leaned against my chair and spoke.

"Are we going to pretend that lovey dovey couple thing again?" I asked sarcastically.

I saw his jaw clenched as he looked at me. "We're leaving at 11pm," he said instead of answering and then left me alone in the kitchen.

Yeah, they were like that. Celebrating at midnight time.

Peke akong tumawa at napailing. "Sana palaging may party," bulong ko sa 'king sarili habang iniisip na ro'n lang umaayos ang pakikitungo niya.


WEARING a gold backless dress with a plunging neckline pair with my silver stilettos, I walked down the staircase confidently. Sa dulo niyon ay naghihintay si Valjerome na mariing nakatitig sa 'kin. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong name-mesmerized siya sa awra ko.

I cleared my throat when I am finally in front of him and averted my eyes, awkwardness suddenly filled my thoughts.

"Let's go," pagpapatibay ko sa 'king boses at asta siyang lalampasan nang natigilan ako sa maingat niyang paghawak sa braso ko.

I glanced at him. He was staring at me as if he was memorizing all the sides of my face. Nahigit ko ang aking hininga nang mabagal siyang lumapit at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko sa aking leeg. Lalo pa akong nanigas sa pagkakatayo nang marahan na tumagilid ang kanyang ulo patungo sa 'kin.

What is he doing?

Hindi ko na napigilan na mapapikit nang tumama ang kanyang hininga sa leeg ko. May kung anong kiliti iyong idinudulot sa aking sistema na nakapaninindig ng balahibo ko. Dumilat lamang ako nang naramdaman ko ang munting lamig na dumapo sa itaas ng aking dibdib—isang kwintas.

Ilang beses pa akong napakurap at hindi makapaniwalang tumitig doon. Valjerome distanced himself and looked at me emotionless.

"A-Ano 'to?"

His forehead knotted and glanced on the necklace he just put. "Don't you know what that is?" he asked in a sarcastic tone.

Ang kaninang kaba at alangan kong nararamdaman ay unti-unting nawala. I rolled my eyes at him and stared again at the necklace.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now