CHAPTER 56

205K 6.9K 2.1K
                                    

Valjerome's men couldn't do anything when the van took me. Hindi sila makabaril ng basta dahil na rin nasa loob ako ng sasakyan.

"Dala na po namin siya," ani ng isa sa mga nakasakay habang hawak ang isang telepono.

Nasisiguradong kong si Chaos ang kinakausap niya. Tahimik na lang ako na bumuntonghininga at saka sumandal sa upuan. Hindi ako nanlaban o gumawa ng kahit anong gulo. Bukod sa wala akong lakas para doon ay alam kong walang silbi kung gagawin ko pa ang mga iyon. In the first place, I chose this.

Ramdam ko ang pagmamasid ng mga lalaking kasama ko, kung mabantayan nila ako ay para bang may kaya pa akong gawin sa mga oras na ito. I mentally shook my head and forced a smile.

Isa lang naman ang kaya kong gawin ngayon, iyon ay ang ipaalam ang lokasyon ko kay Valjerome.

I bit my lower lip when I felt my phone vibrated on my thigh. Nakatago iyon at sinigurado kong hindi mahahalata ng kung sinuman. Sa mga oras na ito, alam kong alam na ni Valjerome na sumama ako sa mga kalaban. Marahil ay siya rin ang dahilan kung bakit nagba-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko man masasagot ang tawag niya, makatutulong naman ang cellphone na dala ko para matunton niya ang lokasyon ko.

Nanatili akong maingat sa 'king pagkilos. Minarkahan ko sa aking isip ang bawat pagkilong ginagawa nang sinasakyan ko. Maski ang oras ng byahe ay tinandaan ko rin.

Halos trenta minutos ang lumipas at tuluyan na ngang tumigil ang van sa tapat ng isang lumang gusali. Nakakalat ng mga bantay habang may mga hawak silang de kalibreng baril. Gusto ko pang matawa dahil totoo pala 'yong mga nakikita ko sa mga palabas. Akala ko ay sa isang mansion ako dadalhin ng mga tauhan ni Chaos.

My invisible smile faded slowly when an idea sank in my mind.

A trap.

Napamasid ako sa paligid. Muli kong naalala na halos lahat ng tauhan ni Valjerome ay wala sa mansyon, kasama na rin siya. Sa mga oras na iyon ay alam kong sumugod na sila sa mga kalaban, pero... ano ito?

Walang away.

Walang gulo.

Tumambol ang dibdib ko sa kaba. Ang ideyang nalinlang sila ni Chaos patungo sa ibang lugar ay paulit-ulit na pumasok sa isip ko.

Itinulak ako ng isa sa mga tauhan ni Chaos nang hindi ako kumibo sa 'king pagkakatayo. Doon ay muling natuon ang atensyon ko sa nangyayari. Nagsimulang maglakad ang ilan sa mga lalaking kasama ko kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang tahimik na sumunod. Ang mga mata ko ay pasimpleng nagmamasid sa bawat nadaraanan namin. Ilang palapag pa ang inakyat ko bago tuluyang tumambad sa akin si Chaos na nakaupo sa isang regular na silya, sa kabilang gilid niya naman ay naroon ang pamilyar na mukha ng kanyang mga magulang.

I gritted my teeth and fisted my hands.

All along, they have been fooling us.

At this moment, I could now fully understand why Chaos' parents dislike me nor my child. Hindi ko na napigilang magpakawala nang sarkastikong tawa.

"You planned it well, Chaos. You betrayed me, big time," naroon ang munting pagkabigo sa kabila ng pagkamuhi sa 'king tono.

He didn't speak. Chaos just stared at me, then stood up slowly from his seat.

"It was all your ex-husband's fault, Jazzie," he said.

I scoffed. "Why? Did Valjerome shoot your sibling?" sarcastically, I asked.

Napadaing ako nang umalingawngaw ang isang putok ng baril. Kasabay niyon ang pagsidhi ng kirot sa 'king balikat. I glanced at the person who did it, the head of their family, Mr. Hevion.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now