Chapter Nine: A Strange Fellow

4.7K 381 37
                                    

-chapter nine-

FINN

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat. Naging mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. His stare was not even helping his uttered words. Lalo lang ako nitong pinapakaba.

I gulped. Sparrow? Paano niya iyon nalaman? Talaga bang nalaman niya kung sino ako dahil lang sa boses?

Kinunot ko ang noo at nilabanan ang kaniyang titig. "'m not." tugon ko.

Wes tilted his head to the side. "You're not? Sparrow?"

Tumango ako.

"I told you. I won't forget your voice. I know who you are." nang umiling ako'y sumama ang tingin niya. "There's no use in lying."

I frowned. How did he know? Hindi naman kami masyadong close ingame for him to be familiar with my voice that much? Hindi nga makilala ni Eura ang boses ko, at siya ang matagal ko nang nakalaro. Kaya paano niya nalaman sa ilang salita ko pa lang na nasabi rito?

Is Wes really that perceptive? Gano'n ba talaga siya katalino para malaman kung sino ako sa boses pa lang? That must be why Marcella confides in him.

Bumagsak ang balikat ko. "Pa'no?"

The corner of his lips rose and he stepped back. Parang nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"You could say I'm a fan."

Hindi ko napigilan ang gulat na bumungad sa'king mukha. Napaawang ang labi ko at nanlaki ang mata. I would never have thought that Wes watches my videos. Hindi ba't sobrang busy nito dahil sa university?

I tilted my head. "Thanks?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay at humarap sa samurai na nakaupo pa rin sa floor. Kumunot ang noo ko. Did he really just come down here to confirm if I was the sparrow or not? Napakawirdo naman kung 'yon lang ang gusto niyang gawin. Lalo na't ginamit niya pa ang gilid ng tower para makababa. It's suicide.

Tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya. Agad naman siyang bumaling sa'kin. Itinuro ko ang pinanggalingan niya.

"Shortcut." simpleng sagot ni Wes.

"Why?"

"I don't like things that take so much time. That was better. Besides, I was looking for you."

Naningkit ang mata niya habang nakatingin pa rin sa samurai na nasa gitna. He was looking for me to confirm his suspicions? Did he really have to do that though.

"I have to stop a bird from stealing all our flags away." matalim niyang tugon.

Oh. Right. Wes must have wanted to confirm his suspicions, but his larger motive was to get me off this city. After all, if his loyalty lies in Marcella and I refuse to join them, he is my enemy.

"Not interested." tukoy ko sa mga flags.

"Do you expect me to trust you?" Wes smirked. "I know your tricks, sparrow. I've always been watching you."

Pero wala naman talaga akong balak kumuha ng flag, gusto ko lang makaabot ng Level 20. I don't know how to communicate that to him in a simpler and lesser way. Kaya naman bumuntong-hininga lang ako.

So he was watching my videos to conduct a study? Is he treating me as his rival for him to go through such measures? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nagawang kasalanan sa kaniya.

Rogue Wars OnlineWhere stories live. Discover now