Chapter One-Hundred-Two: Helpless

1.8K 199 139
                                    

-chapter one-hundred-two-

EURA

This is fucking madness.

Parang gusto kong sakalin ang pinakamalapit na tao sa'kin kung hindi lang ang lampang bestfriend ni Finn 'yon. I can't believe I have to watch her risk her life for a stupid girl who got angry at her. Tangina, kung makalabas kami dito ng buhay, hindi siya makakaalis dito ng walang kahit isang sapak.

"E-Eura, ano bang iniisip mo? May dark aura na nakapalibot sa'yo at natatakot ako." mahinang komento ni Gavin sa tabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas. Gago, sino bang hindi magagalit o maiinis sa nangyayari ngayon?! Once again, Finn is saving us and we can't do a damn thing to help. Peste kasi, kung mababait lang ang players na nandito ay okay lang sa'kin, e baka ako pa unang papatay ng tao eh.

"Wala kang pakialam! Hindi ka ba kinakabahan diyan sa bestfriend mo?" singhal ko sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya at dumapo ito sa kinatatayuan ni Finn. I waited for irritation or anger to cross his face, pero pinaglihi nga ata sa kabutihan ang magkaibigang ito dahil ngumiti lang siya.

"If that's Finn's choice, then she's going to survive it. Kinakabahan naman ako, pero naniniwala lang talaga ako sa kaniya." hinarap niya ako at tinitigan sa mata. "May isang salita siya."

Ngumuso ako at iniwas ang tingin. I know that. Laging tinutupad ni Finn ang mga pangako niya. That's one of the reasons why I stick with her. She makes me feel safe and lends me a lot of strength. Parang kapag katabi o kasama ko siya, nakakasiguro akong makakaalis kami do'n ng buhay.

Sinulyapan ko si Wes at Kairo na mukhang isang salita na lang ng players ay papatay na. Well, kahit ako nga siguro ay umuusok na sa galit, konting-konti na lang kasi ay may masusuntok na ako. Putanginang mga gagong 'to, ang sarap ihambalos ng mesa sa kanila. Ayaw magbigay ng chips pero hayok na hayok makakuha.

Oliver doesn't look that far from exploding, lalo na sa mahigpit niyang pagkapit sa baril. Kung may puputok mang ulo dito, aba baka magtalon-talon pa ako sa saya.

Pero bago 'yan, bago ang galit at inis na nasa puso ko, takot talaga ang nag-uumapaw sa'kin. I dragged my eyes back at Finn who was holding a gun, pointing it at the NPC. She was more composed now. Hindi na kita ang panginginig niya kagaya kanina at naa-ayos na niya ang pagtutok ng baril.

Ngumisi ang NPC. "Wow. If I ever died here, it would actually be for love, you know?"

Ngumiwi ako sa sinabi niya. Tanginang pagmamahal 'yan, nagkakamatayan. Hindi ba dapat mabuhay kayo para diyan?

At saka, oh my gosh! Don't tell me na inlove din siya kay Finn? Mahina akong umiling. Napakaganda at cute nga naman nitong anak ko at maraming nagmamahal sa kaniya. Kung lalaki lang ako, e baka matagal ko na rin siyang niligawan ako. Mas may pag-asa pa nga siguro akong masagot kaysa sa mga tukmol na nasa paligid ko.

Nakita kong ngumuso si Finn at hindi ko mapigilang tumili sa isipan. Gusto kong sumigaw na ang cute niya pero kinakabahan din ako na natutuwa. Nakahawak na ng baril at nakatutok pa sa tao pero nagawa pang ngumuso?

Finn managed to pull the trigger without closing her eyes this time. I was both relieved and afraid when it was an empty shot. Relieved ako dahil walang namatay sa harap ko, at natatakot din dahil mas matatagalan pa ang laro nila. I don't want them to reach the sixth round because that would really mean... death.

Rogue Wars OnlineWhere stories live. Discover now