Chapter Sixty-Four: Until Her Last Feather

2.2K 263 202
                                    

-chapter sixty-four-

THIRD PERSON

"When are you going to give up?!"

Padabog na humarap ang batang lalaki sa kanina pa sunod ng sunod sa kaniya. The seven-year old girl only stared at him with her brown eyes, a flush in her cheeks because she had to chase him.

"Talked with your..." hinabol ng batang babae ang hininga. "... grandpa?"

"I won't help you! Isa pa, Grandpa doesn't just talk to me. Kailangan ko makausap sina Mommy."

Tumango-tango ang kausap. "Then. Talk with Mommy?"

"My mommy!"

Pilit na pinigilan ng batang babae ang nabuhay na inis sa isip niya. Hindi niya naman sinabing sa kaniya. May Mama na kaya siya at masaya na ito kasama ng Papa niya sa heaven.

"Mm. Yours."

"Hmp." the boy crossed his arms. "They still won't help. Your kuya cannot be helped anymore."

Parang binagsak at tinapakan ang puso ng batang babae sa narinig. Hindi maaring mangyari 'yon! Ayaw niyang makita ang malungkot na mukha ni Gavin kapag aalis din ang Kuya nito papunta sa heaven.

The girl shook her head. "We don't know that. Can be treated."

Unti-unting nawala ang simangot sa mukha ng batang lalaki nang makita ang mukha ng kausap. She always had a  blank face and an emotionless voice, so seeing her crestfallen face was new.

May rason siya kung bakit hindi niya pa rin sinasabi ang babae ang totoo. Nakausap niya na ang kaniyang pamilya tungkol sa hiling nito, pero... ang sabi nila ay masama na daw ang lagay noong naka-admit na lalaki.

Nanlaki ang mata niya nang hawakan ng babae ang kaniyang kamay. They were much smaller than his - softer and more fragile.

"Ask them? Please?"

Mabilis na binawi ng lalaki ang kamay at umatras. He glared at the girl. "Alright! Can you stop asking me that all the time? Mahirap din kayang makipag-usap sa kanila."

"'m sorry..." nakayukong wika ng babae.

"Tch. Hindi ka na nga tumitigil sa pagtatanong, 'di ka pa humihinto sa mga sorry mo." umirap ang batang lalaki.

Dahil ayaw ng lalaking magsorry siya, "Thank you." ito na lang ang tanging nasabi niya.

"Hindi ko pa nga natatanong." he replied, annoyed, before he remembered that the girl left her lunch to chase him. "... Gusto mo bang kumain?"

Tumango ang batang babae, isang malawak na ngiti sa kaniyang labi.

That wide and innocent smile, ten years ago, was now replaced by a cold smirk.

It's quite frightening to realize how experiences and certain situations affect our whole personality. Kung saan ang dating masayahin ay napupuno ng lungkot. O ang dating mapagpasensya ay napangunahan na ng galit.

Is it really them showing their true colors? Or is it them finally embracing that they're only human?

Why are bad people celebrated for being good, while good people are attacked for finally realizing their limits?

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon