Epilogue

3.6K 356 821
                                    

Once again, thank you so much for arriving here. I'm always so so grateful for your comments, votes, and support. Masaya ako na naging makabuluhan at exciting ang journey niyo with Rogue Wars Online.

-epilogue-

FINN

Life and death. Happiness and pain. Itong apat na salita ang ramdam kong naglalaro sa buhay ko.

When my life is saved, it's through the cost of death. When happiness knocks on my door, pain shows up with a deadly knife.

I can never get one without another following. Dapat magkasunod, dapat laging magkasama. And so I have to spiral down a path of longing and sorrow, making my body used to the wounds and scars.

I have always believed that death followed me that I never saw life smiling in front.

Tapos na ang lahat. Masaya na ang mga players dahil sa wakas ay buhay sila at malaya. Ngunit wala akong maramdaman. Hindi nawawala itong sakit sa puso ko sa kaalamang nakalabas nga ako, pero naiwan naman ang iba sa loob. Should I just hold them in my memories? Should I just remember them forever? As a token for their help and love?

Someone cupped my face, his hand a bit bigger than mine. It's familiar. It was something I have seen before. Pero nakakatakot ang umasa at madisappoint sa huli.

Natatakot ako. Kapag ia-angat ko ang mata, totoo na ba sila o hindi?

When they hugged me, I cried. I let go of all the painful feelings, all the longings and hatred that nearly drove me to madness. I clung to the fact that they were alive and well and that for once, maybe I did really deserve happiness without an accompanying grief.

"Wengya naman kasi, Ate Deps! Ibalik mo mga niluha ko sa'yo! 'Ngina naman oh, siguradong pinagtawanan mo lang ako nang humagulgol ako at humagulgol sa'yo 'no?" akusa ni Eura.

After leaving the last city where the boss fight happened, pumasok kami sa isang syudad na 'gaya ng Starting City. The crimson was replaced by a blue and peaceful sky. At kami lang ang katao-tao sa city na 'to. It was supposedly a free city, kung saan lalabas ang mga surviving rogues at maglo-log out. Pero naghintay ang iba sa kanila dito para sa amin.

"Oo, tumawa ako. Pero ikaw din ha," piningot niya ang tainga ni Eura na agad sumigaw sa sakit. "Talagang hinayaan mo lang na awayin nila si Finn. Para saan pa 'yang maingay mong bunganga? Kung akk nando'n, aba't pinasabog ko na sila!"

"Ayaw ako payagan ni Kairo e! Tapos after no'n, bumawi naman ako at pinilosopo ko pa nga silang lahat- hala! Pero wait, paano alam mo ang nangyari e wala ka na sa game?"

"The game is broadcasted worldwide." Theo explained, yawning. "Every player is being streamed and views are converted into money. May mga bet din na nangyayari. Kaya kapag namamatay ang players, or log out actually, may pera silang nakukuha."

"Nagulat nga rin kami no'ng una. Malaking pera ang mare-receive kapag marami rin ang cities na napuntahan." Sebastian added.

"Sandali, sandali-" Maki cut off the conversation with a wave of his hand. "Anong meaning ni Theo na kapag namatay ang players ay log out in actuality?"

Hinampas ni Depore si Theo para magising ito. Paano kasi at nang matapos siya sa pagsasalita, e bigla na lang pumikit at sinubukang matulog.

"Aray... Ang ba-bayolente niyo." he complained with a small pout. "Patay gano'n. Natanong nga 'to no'ng bestfriend ni Finn noon e. He asked me for a shortcut, kaya sinagot ko siya na kailangang mamatay. Kasi kapag namatay kayo, may shock na nare-receive ang wristband and it jerks you awake. It also automatically turns off the game kaya kung ayaw mong matapos ang cities, you can get yourself killed."

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon