Chapter Eighty-Eight: Passing Hours

2.3K 260 120
                                    

-chapter eighty-eight-

THIRD PERSON

Before we continue on the murder that's about to happen, let's wind back the time to an hour before.

"Sa lahat ng pwedeng i-utos bakit manhunting pa? Sa isang man pa na ayaw kong i-hunt?"

Eura's complaint was loud in the dirty streets. It echoed in the empty alleys and scared off the players that hid there. Nagdadabog pa ang paglalakad niya at agresibong nililipad ng hangin ang asul niyang buhok. Gavin who was following her, had to sigh in defeat.

"Ako naman 'yong inutusan, sumama ka lang."

Eura glared at him. "'Di mo ba narinig ang sinabi ni Kairo na dapat mo akong maging babysitter? As if baby ka para samahan."

"Mukha at pwede maging baby ng kahit sino."

Eura mimicked a vomiting sound at Gavin's confident declaration. Ba't ba ang mga taong nasa paligid ni Finn ay paboritong i-hype ang mga sarili na hindi naman deserved i-hype. 'Yong dapat i-hype ang tahimik naman.

"Anyway, ayoko talagang hanapin si Oliver-"

"Bakit niyo ako hinahanap?" came a voice behind making both of them jump.

"Ay putangina sa lahat ng pisteng yawa! Gago ka, huwag kang manggulat, para kang basura!"

"Eura, gusto ko na talagang lagyan ng scotch tape 'yang bunganga mo. Punong-puno na ako." Oliver threatened.

"Uhm... chill, anyways so-" Eura rolled her eyes. "Pano mo kami nakita?"

"Siguro gamit ang mata niya- aray!" at nakatikim ng batok ang sumingit na Gavin. "Oo nga, p're, kanina ka pa diyan?"

"Siyempre, kaya nga narinig ko kayo. Pero ba't niyo ko hinahanap?" Oliver asked, returning this conversation to the very subject. Kapag si Eura talaga ang kausap ay laging nagse-segway ang usapan.

"First of all, bago lumaki ang ulo mo, hindi ka namin hinahanap dahil gusto namin. We're here because we're orderer to. Nautusan kami okay? Na-u-tu-san-"

Nang hindi na makatimpi si Oliver ay tinakpan niya ang bibig ni Eura at nilipat ang tingin kay Gavin. Sa totoo lang ay naiinis rin siya dito. This guy is the closest to Finn, and probably harbors some kind of feeling to her. Kaya sa perspective ni Oli, isa siyang karibal.

Pero pipiliin niya ang karibal over kay Eura na walang-tigil ang bibig.

"Bakit ba?" may angas niyang tanong kasi siyempre dapat dominant.

"Kausapin mo si Finn." diretso nitong sagot. "Naniniwala ka ba talaga na magagawa niya 'yon? Sa pinsan mo na naging kaibigan niya rin dito? Si Finn na kahit lamok ay ayaw patayin-"

Eura feels like this is not the right time to tell them that Finn doesn't really hesitate on some of the cute monsters in here. Naalala niya ang tsismis ni Maki na tinapunan daw nito ng kunai ang pusa.

"-Do you believe what they said? Mula pa iyon sa source na matindi ang galit sa kaniya. Marcella would do anything to dirty her name and June would do too just because she hates her."

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon