Chapter One-Hundred Seven: A City of Dreams

2K 210 262
                                    

two cities 2go

-chapter one-hundred-seven-

THIRD PERSON

"Nako, sobrang nagulat talaga ako Finn nang makapunta ako sa city na 'yon. Biruin mo naman, nagising ako sa classroom namin at nasa harap ko na ang calculus teacher namin na kung makapagquiz ay akala mo board exam na! Tapos parang gusto ko nang mamatay no'ng sabihin niya na exam na daw namin at five hundred items pa! Like what the fuck lang 'di ba, e mostly na nilagay niya sa questionnaire ay mga tanong na 'di naman niya diniscuss o nagabsent ako kaya hindi ko narinig ang discussion-"

Nagpatuloy si Eura sa pagra-rant tungkol sa nangyari sa kaniya sa last city habang naglalakad sila ni Finn sa kubo kung nasaan si Wes. Panay naman ang tango at reaksiyon ng kasama niya pero halata sa mukha nito ang pagkagulo. Kaya hindi niya maiwasang mapatanong sa sarili kung ano ba ang nangyari kay Finn sa Nightmare city na 'yon.

One thing's for sure, sigurado si Eura na masama iyon dahil nightmare nga ang city.

"-Tapos ang nakakagulat pa e bigla na lang ako naging zero sa exam! Hulaan mo! Zero! E sigurado naman ako may natama ako doon kahit isa lang! Pero hindiii, talagang itlog ang naging ulam ko sa taong 'yon-"

"How did you get out?"

Napakamot ng ulo si Eura. "Actually, hindi lang school ang naabutan ko do'n. Sandali ko kasing nakalimutan ang nakakatrauma na game na 'to tapos late ko na siyang narealize. I saw the deaths of the people around me and I guess nakalabas lang ako do'n nang burahin ko ang pagkamaingay ko para magseryoso. May kailangan kasi akong pataying puso- Ang laki pa ng puso na 'yon, Finn! 'Yon ata ang center ng city tapos nakita ko siya sa library namin, doon sa math section!"

Finn hummed. "The last city made me confused. I... don't know what's real and what's not anymore."

"One thing's for sure, ito na ang totoo at continuation natin mula sa seventeenth city. And the players are one of our evidences." mapait siyang ngumiti. "Doon kasi nakipagtawanan pa ako kay Ate Depore, tapos nang maalala ko kung anong nangyari sabi ko, ah patay na pala siya. Pero kahit konting panahon lang 'yon, I did enjoy those moments. Gano'n din ata si Kairo kasi namumula 'yong mata niya nang magising dito. Buuut yeah, when we woke up here kasi, wala na talaga si Ate Depore. Tinanggap ko na rin ang bagay na 'yon. Na patay na siya."

Finn took a deep breathe, walking faster. Kung gano'n, hindi din pala totoo ang Caspian na nakita niya do'n? She thought it was real. Nakagawa pa nga ito ng rason kung bakit nauna ito sa kanila. Or was it her mind that rationalize Caspian's presence because she hoped that she was still alive.

Na parang hindi niya lang nahawakan ang katawan nito nang mamatay.

"What happened on that city, Finn?" nag-aalalang tanong ni Eura sa kaibigan.

"I saw Caspian... and I saw all of you die. Then at the end, I killed Wes. Like how you stabbed your monster's heart-" kumunot ang noo niya. "Ibig bang sabihin, si Wes ang kalaban ko?"

Nagkibit-balikat si Eura. "Kung walang monster do'n, then baka ikaw ang kalaban mo. Like puso mo ang dapat na saksakin."

"Pero siya ang sinaksak ko. Paanong nakalabas pa rin ako?"

"Siguro iisa lang ang nightmare niyo? At since iisang dimension lang kayo, isang tao lang ang kailangang patayin?" tila naguguluhan niyang tugon. "Bakit 'di na lang natin siya tanungin?" sabay pakita niya sa pinto kung saan naroroon si Wes.

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon