Special Chapter: Finn's Dream

1.9K 170 42
                                    

A short extra. I miss them and I need their chaos.

-special chapter-

FINN

"Lilliane."

Ibinalik ko kay Wes ang tingin. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa'kin. I bit my lower lip, averting my gaze again. Kanina pa namin nilalaro ang iwasan ng tingin pero kasi... hindi ko siya kayang matingnan sa mata...

"Lilliane," he called again. "What's wrong?"

Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain. I want to answer while meeting his eyes because that makes me comfortable, but I can't afford to see his face right now!

Napabuntong-hinga siya. He didn't pursue the topic further and gave me space. It's one of the things I love about Wes. He knows and respects all my preferences. And whatever silence we may have, he doesn't feel pressured to fill it.

Hindi naman talaga namin kailangang mag-usap lagi. I am assured just by his presence, and I know siya din.

Nagulat ako nang maramdaman ang kamay ni Wes sa ulo ko. Tapos na pala siyang kumain. He gave me a small pat.

"I don't know what's wrong but tell me when you can, alright? So we can solve it together, hmm?"

I felt guilty. Wala naman talaga siyang kasalanan at problema ko 'to sa sarili...

Kumuha ako ng lakas para i-angat ang tingin sa kaniya at ngumiti. "Mm!"

He smiled back and was about to give me a peck on the cheeks when I pushed him away. Gulat naming tiningnan ang isa't isa doon. Umuwang ang labi ko pero walang lumabas na salita. I swallowed hard. If I say sorry, baka mas maging awkward lang. I know Wes was hurt by my actions, but he didn't show it. Instead, he smiled at me again and told me he'd be home early.

Nang makaalis siya sa bahay ay inuntog ko ang ulo sa lamesa. Ang sama! Ang sama-sama mo, Finn! Hindi ko lang naman pinansin si Wes buong umaga, pero tinanggihan ko rin ang halik niya!

Ano ba naman kasi... With his face so close to mine... May naaalala ako!

Pagkatapos kong linisin ang hapagkainan ay naisipan kong tawagan si Gavin. I would call Renée since she knows this best, dahil paborito niya magbasa no'n, but she and Baste are out on a honeymoon trip. I don't want to disturb them.

Gavin is my best bet. Kung alam ni Eura na ako ang pupuntahan niya, baka sumama din siya. It's a better situation kaysa sa tawagan ko si Eura at siya lang mag-isa ang pupunta.

We decided to meet up at a nearby cafe. Nang dumating ako ay naabutan ko na ang pagtatalo ng dalawa. They never seem to stop fighting. Kahit maliit na bagay lang, pag-aawayan. Siguro paborito nilang kulitin ang isa't isa kasi nagpapasuyo sila pagkatapos. Ang weird lang.

Tahimik akong umupo sa harap nila. Eura was whispering loudly, her tone complaining, at Gavin who had his brows furrowed. Mukhang sa order ang pinag-aawayan nila. Kesyo daw gusto ni Eura 'yong strawberry pero pinagbabawalan siya ni Gavin kasi mukha na siyang strawberry.

Hindi ko alam kung sobrang interesting ng away nila o sobrang tahimik ng pagdalo ko kasi sampung minuto na ang nakalipas at hindi pa rin nila ako napapansin. May napatay na akong boss sa game na pinag-abalahan at nasa caramel syrup na ang topic nila. Nakaorder na nga din ako at lahat-lahat.

Hm. Ano ba ang best way para makuha ang atensiyon nila? Should I shout? 

Pero ayoko naman no'n. Paboritong gawin ni Oliver 'yon kasi ang hilig niyang magpapansin. But shouting... might disturb other people in here.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon