Chapter One-Hundred Eleven: A Missing Sparrow Pt. 2

1.9K 220 185
                                    

-chapter one-hundred-eleven-

MAKI

Alam niyo 'yong calm before the storm? My goodness! Parang ito 'yon!

Every face that I glanced upon had ice-cold fury. Mga mukhang nabato sa sobrang galit pero nagbabaga naman sa mata ang emosyon. Ang nakakuyom nilang kamao kung saan unti-unting namumuo ang sariling magic. A slow threatening gesture to the woman who dared bring harm. Maski ako kinakabahan sa itsura nila e! Parang ako tuloy ang kakatayin, jusko!

Mas kinabahan ako dahil ang Eura na sa sobrang arte ay naging cursing machine, e eto at sobrang kalmado sa galit! I fear that my nails will eventually break once they all explode.

And so, I wasn't wrong.

Nakakabingi ang ginawang sampal ni Eura kay Sapphire.

Napakabilis ng naging pangyayari. In an instant, Eura was already pulling Sapphire's hair. Todo naman ang iyak ng pangit na 'yon at siyempre ako ay nagchi-cheer lang kay Eura! Bruhang 'yon! May pahulog-hulog pang nalalaman kay Finn, hindi niya ata narealize na ibon ang kaniyang inihulog!

"H-Hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya 'yon, Eura- aray! Huwag mo 'kong sabunutan- aray!"

"Putangina, Sapphire! Tinrato ka ni Finn na kaibigan at wala siyang ginawang masama sa'yo! Lintik na 'yan! Matatanggap ko pa kung ako tinulak mo do'n dahil sa pesteng bibig ko pero tangina, anong maling ginawa sa'yo ni Finn, ha?! Gaga ka, kasalanan niya bang nagconfess 'yong si Theo?! Ha?! Putangina!"

"S-Sabi ko na nga hindi ko sinasadya, Eura!"

I watched as everyone started to attack Sapphire, whether verbally or physically. May mga handa na talagang pumatay dahil sa pagkawala ni Finn, at ako'y naiistress na dahil sa iba nila pinopokus ang galit! Omg! Talaga bang ang pretty eyes ko lang ang nakakapansin ngayon? Sa sobrang galit ba nila ay namatay na rin ang kanilang mga braincells?

Gusto ko ring matikman ni Sapphire ang galit sa kuko ko pero may mas importanteng gagawin ngayon!

Huminga ako ng malalim para kumuha ng marami-raming lakas bago sumigaw, "My goodness! Guys, maghunos-dili kayong lahaaaat!"

My scream that rattled even the resting birds took their attention. Nagpasalamat ako sa aking taglay na kagandahan dahil natuon sa'kin ang kanilang atensiyon. Siyempre, hindi ko din pinalampas ang bahagyang kiligin sa seryosong titig ni Liam.

"What's the matter, Maki?" Oliver asked darkly. "You're not angry at this bitch?"

Sa rahas ng hangin na nakapalibot sa kaniya ay parang lulutang lang siya 'pag itinapon ko sa cliff. Nakakatakot ngang lumapit kahit na wind din naman ang magic ko. Sunod kong nasulyapan ay si Gavin na nag-iigting sa galit. The ground he's stepping on has already cracked, probably from that magic of his that he couldn't control with the rage.

"Lahat naman tayo ay galit at gustong masaktan ang bruhang 'yan," pairap kong tugon. "Pero mas may importante tayong gagawin! Look at the player count, guys! Forty pa rin tayo, that means Finn hasn't died but with that height—"

"She must be badly injured and is just scraping to survive." pagtapos ni Wes sa sasabihin ko habang nakatitig sa ilalim ng bangin.

Rogue Wars OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon