Entry #122 03/17/21

7 0 0
                                    

Dear Future-self,

Kinilig ako kanina nung pa uwi na ako. Ene be nemen kese... Sonny kese bakit kasi nagpakita pa sakin.

Actually akala ko naka uwi na siya. As in papuntang plaza tiningnan ko talaga lahat nang mga nka blue at baka si Sonny na. Hahaha. Tapos nung nasa plaza na ako. Nilibot ko ang mga mata ko sa boung plaza. Tapos na dismaya ako nung di ko siya nakita.

Sakto ma sakay na sana ako nang tricycle, may nakita ako'ng lalake naka blue sa may ZNG-11. Tapos na realize ko si Sonny pala yun. Kakasara pa lang pla nila.

Grabe gurl. Imbis na dun lang ako sa plaza sasakay, tumawid pa talaga ako para malapitan ko siya. Eh timing may tricycle din sa harap nang store nila.

Tapos nahawakan ko pa braso niya. Hahaha. Kyaaaah  Tsansing talaga akes.  sssshhhh. Di niya naman alam. Pa kunware pa ako nag sabi na "Punta ka na bilis si Jose ang nag hatid nang susi."

Namiss ko talaga si Sonny. Ilang araw na din kami di nagkikita kasi palagi ako'ng 8-5, tapos siya naman closing. Kaya I'm so happy to see him today. Eiiiyeeehhh!

Yung lang. Sleep na akels.

TTYS,
-Present-self @24

PS: Sana binabasa din to nang magiging asawa ko.

PPS: Sana di ka nag seselos kay Sonny. Crush2x ko lang naman. Alam ko naman wala'ng mang yayari samin kasi beki po si koya. hahaha

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now