Entry 155 (10-05-2022)

3 0 0
                                    

Dear future me,

Oh sinisipagan ako mag sulat ah. Parang isang araw pa lang palya ko sa October 2022. Hahaha. Anong meron?

Anyway nag tampo ako nang onte kay Sonny. Hahaha. Kagabi kasi inaaya ko siyang mag sine kami. Actually, una kong tanong is ano schedule niya. Kasi opening ako ngayon tapos 9-6pm pala siya. Gusto ko sana makipag date. Kaso yun lang, ayaw niya man ata.

Kagabi hindi niya na sineen yung sabi ko pasama sana ako manood nang Smile. Edi wag. Hindi ko na siya pinilit kasi medyo tinatamad na din nman ako lumabas. Kaya mga bandang 9am kanina, sabi ko wag nlng pala, nag bago isip ko. Kaya di na kami lumabas. Natulog nlng ako 3pm to 5:30pm. Naka bawi pa ako sa tulog.

Tapos pagka gising ko timing naman na nagluluto na si Mari tapos naki join nlng din ako. Nag dinner kami kasama si Richard. And ofc may pa chismisan na naman kaming tatlo.

Tapos feel na feel ko mag ATL ngayon kaya nagpa semi concert ako sa banyo hanggang kwarto. Tapos na pakinggan ko pa yung "Walls", maganda pala. Nothing Personal Tribute Album version. Sarap isipin POV ni Joash yun, kaso imagination ko lang yan. Hahaha. Wala pa din. Di pa rin kami nag uusap. Wala naman atah yun paki sakin. So same here nlng.

Pagod na talaga ako. Kung ano pinapakita mong effort yan nlng din ibibigay ko. Kakatamad na kasi. Hahaha.

Pero sana magkita pa rin kami... di ko lang talaga alam kung paano. Di ko pa nga nasasabi na pupunta kaming Manila. Isang linggo nlng pati ma summit na.

Not yours,
-25 y.o. version of me

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now