Entry #85 (05/29/2019)

9 0 0
                                    

05-29-2019

Dear Future-self,

Ang aga-aga pero naiinis na naman ako. Nakaka-inis kasi yung pabago-bago nang schedule. Wala talaga akong idea na 5-2pm pala ako ngayon tas ang nasa pinicturan kong schedule is 10-7pm ako. Mahimbing na sana ang tulog ko, kaso narinig ko pa naman si maam eve na kumatok sa pintuan namin hinahanap ako. Tas narinig ko sabi niya "tulog pa?". Kaya bigla nalang akong nagising. Di pa naman ako naka tulog nang maayos kagabi kasi ang init2, di naman ma abot nang electric fan yung upper deck. Tas magising ka pa naman nang 5:50 na. Parang nakakbwesit lang sa mood. Tapos nag suggest si maam Eve na siya nlng ang papasok instead of me kasi wala talaga ako'ng idea na nachange pala yung schedule. Pero di naman ako mka balik sa tulog ko ngayon kasi naiinis na ako tas na bothered na rin ako.

Ano ba naman tong pinasukan ko!? Kakainis yung systemang bulok nila! Super dis-organized.

Pag nag change sila nang sched sana ininform nila ko ahead of time. Eh wala talaga ako ka i-idea na nag change pala sila. Grrrr. Na bwesit tuloy si oka. Wala pa naman ako'ng tulog. Huhaaaaiiiiisssst.

Future-self sana tumaas na yung pasensya mo, kasi ako ngayon maliit pa rin ang pasensya ko. Hahaha.

Love,
Present- 22 yrs old-self 😁

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now