Entry #39 (08/08/2017) Yannie kun serye

20 0 0
                                    

08/08/17

Hi mga besh,

About sa sinabi ko last entry na medyo matagal ko nang sinulat. Binabawi ko po yung sinabi ko na baka di magkatuluyan si Yannie kun and tawagin nalang natin si girl as Lou chan. Bagay pala sila mga besh. I think this time Yannie kun is taking it slow. Basta friend ko na rin si Lou chan eh at ang bait po niya kaya po sana pumasa na siya this August 2017 na boards. Sana pumasa sila'ng lahat. Andito po ako sa Cebu ngayon pero babalik rin ako sa Bohol mamayang gabi via slow boat. Possible pala no, nasa iisang dorm lang kami ni Yannie kun pero since kahapon nang dumating ako, di ko man lang siya nasilayan. Ang weird. Anyway medyo crush na medyo hindi pa rin ang pagtingin ko sa kanya. Kaya nag dadalawang isip ako kung aamin ba ako o hindi, para mawala na talaga forever 'tong nararamdaman ko.

May kwento pala ako sa inyo mga friends. Nung kumain kasi ako sa Chowking kanina, may mga nakatabi ako'ng college students. Mag babarkada atah sila. 2 girls and 1 boy. Si girl 1 may boyfriend, si boy kakabreak lang sa girlfriend niya na mahal pa niya, at si girl 2 naman may crush. Si girl 2 yung pinagtritripan nila kasi may crush siya pero di niya ma amin2 sa lalaki at nag-aantay lang siya kung ano man ang move nung crush niya. Tapos ito naman si boy parang galit atah na di kaya'ng umamin ni girl 2. Sabi pa niya; "Tanga ka talaga. Pag wala kang gagawin sa tingin mo magkakatuluyan kayo? Umamin ka na kasi. Sige ka pag ikaw di umamin magpopost ako sa facebook tas itatag kita tas itatag ko rin yang crush mo. Yung ex ko nga siya ang na unang umamin sakin, tingnan mo tuloy ako, nagsisi na pinakawalan ko siya." Tapos sumingit rin si girl 1. "Ako nga, umamin ako sa boyfriend ko nung crush ko pa siya before niya ako niligawan. Tingnan mo, naging kami diba? Kaya amin ka na rin."

Ano sa tingin niyo yung dapat gawin ni girl 2? Aamin o Maghihintay? Feeling ko rin ako si girl 2 eh. Please help her and me.

Walang magiging sayo,
-Krizia 😞

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now