Entry #29 05/07/17 Yannie kun serye

32 0 0
                                    

05/07/17

Dear You,

Diba sabi sa last entry na medyo nagkaka crush nanaman ulit ako kay Yannie kun? Ikwekwento ko na lang po muna yung frist meeting namin kasi medyo weird din yon eh. Hehehe.

Transferee po kasi si Yannie kun from San Carlos kaya di kami nagkakilala nung first day of college ko. He transferred to UB on a summer class. Bumagsak raw kasi siya sa isa sa mga subjects niya sa USC kaya napagdesisyunan niya na magtransfer sa UB. Papuntang third year na kami nang magtransfer siya pero nung third year second sem lang kami naging close ni Yannie kun kasi naging groupmates kami sa Q.C. lab.

So ayun na nga, may isang subject kasi ako na magkaklase kami nung summer, yun ay Manufacturing Internship. At first napansin ko siya sa first row ng mga upuan kasi pag nag pharma ka naman obvious na obvious talaga kung may bago'ng lalaki sa class niyo. Duh. Pharma boys are rare species, kaya hindi mahirap mapansin kung may additional sa species nila. May pinapapasa kasi si maam Saniel, yung subject teacher namin, kaya pumunta ako sa classroom.

Usually kasi di na namin kailangan pasukan yung subject kasi may 360 hrs. intership pa kami sa community at hinahabol namin yun na matapos on summer. Medyo weird lang siya kasi nang pumunta na ako sa harapan para pumasa nung internship book ko ay bigla nalang nagsalita si maam.

"Uy, ito'ng si Krizia oh pwede mo'ng ligawan, single pa yan."

Medyo kahawig niyan yung sinabi ni maam, at ewan ko bakit niya sinabi yon! Ano kaya napasok sa isip ni maam nung sinabi niya yon?

Of course super nahiya ako nun. Di ko kaya siya kilala non tapos ganun pa ang sasabihin ni maam sa first meeting namin. Ngumiti lang naman si Yannie kun kaya ngumiti na lang rin ako. At dahil siguro don ay pilit ko siya'ng di pinapansin sa tuwing makikita ko siya.

As in ang weird ko talaga non, kasi sa tuwing makakatagpo ko siya sa hallway, hindi ko siya pinapansin. Para lang talaga'ng wala ako'ng nakikita pag nakatagpo ko siya, lalagpasan ko lang siya. Kasi nga naman, di nga kami magkakilala, at nahiya rin ako sa sinabi ni maam non.

A few days after nung first meeting namin ay nakita ko siya, nakasakay ako sa tricycle non at nadanaan ko lang siya sa may BQ mall. Maraming siya'ng kasama na babae kaya akala ko becky siya. 😂 Pinagsabi ko pa to sa iba ko'ng kaklase. Wahaha. So ayun akala namin becky siya. Marami kasing ganyan sa pharma. Ang gwagwapo, tangina, bakla pala!

Pagkatapos non ay first sem na nga, kaclose na siya ng mga kaklase ko pero ako? Di ko pa rin siya pinapansin. May one time nga na papunta ako ng c.r. tapos nagkatagpo kami ni Yannie kun sa labas ng classroom kasi galing rin ata siya sa cr. Nginitian niya ako, yung friendly na ngiti. Ako naman tiningnan lang siya at iniwas ulit ang tingin saka ko siya nilagpasan para pumunta sa cr. Wahaha.

Snober ko talaga eh noh?

Ewan ko na lang talaga. Basta lalaki at bago hindi ko talaga pinapansin. Para ako'ng nahihiya na natatakot na ewan sa kanila. Pero kung naka breakthrough na naman sila sa boundaries ko at naging close na kami, eh para naman ako'ng baliw na kaibigan. Mas prefer ko pa nga sila kausap kesa sa mga babae ko'ng kaibigan. Kaso dapat nga lang sobrang close na kami niyan.

So nung nagka groupmates kami nung second sem ay na break nga niya ang walls na nka built in sa sarili ko. Kaya hayun. Naging close kami. Tas nung next summer, tinutukso-tukso ko na siya kay maam Jean. Pero wala pa naman ako'ng feelings para sa kanya. Parang ang sarap lang talaga niya'ng maging kaibigan. Yung tipong para ko lang talaga siya'ng kuya.

Sabi nga niya sa akin, "Alam mo nung una? Sobrang mahiyain ka. Yung tipo'ng di namamansin dahil sa sobrang pagkamahiyain. Saan na yung tao'ng yun? Ang kulit mo na kasi ngayon eh." Patawa-tawa pa siya niyan kasi sobrang kulit ko na nga. Halos araw-araw ko kasi siya'ng tinutukso kay maam Jean kaya hayun. Wahahaha.

Ewan kelan ko siya naging crush. Ewan ko kelan nawala. Ewan ko bakit bumalik. Pero sana mawala na ulit. Ayoko na kasi sa ganito eh. Gusto ko talaga siya'ng maging close friend. Kaso sa dami ba naman nang kaibigan niya'ng babae wala lang siguro ako. Hahaha.

Yun lang po muna,
-Krizia

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now