Entry #56 (08/ 05/18) Santino

26 0 0
                                    

Aug 5, 2018

Hi Future Self!

Yesterday was sa exhausting but fun at the same time. Kwento ko lang kinilig na naman ako kasi nagkita kami ni kuya santino kasi nga seminar ngayon tapos bigla pa naman ako'ng maatasan na mag distribute nang Alumni forms. Kaya hayun since alumni si koya, binigyan ko siya at binati nang good morning.

Tapos reply niya sa akin ay "Good Morning. You look beautiful. ;)"

Langjjjuuuuu! Anebeyen.

Kelan pa ako naging maganda?

Pero ang sinabi ko sa kanya ay, "Thank you."

Feeling din ang pagka reply ko eh ano?

Bahala na nga. Alam ko naman na wala lang yun. Tas ewan ko asan napunta yung confidence ko nung nagkita kami sa marcela kasi, back to being awkward na naman ako. Hahaha.

May pabulong pa nga siya "sana may mag sabin rin sa akin na gwapo", tapos kunwari di ko nlng na rinig kasi di ko alam sasabihin ko. Tapos sabi ko "ha?". Sabay sabi si koya nang "ahh wala, wala."

Tapos nung nag cr ako, at pabalik na kami ni Jeanette kasi nagkita kami sa cr, nakasalubong ko ulit siya. Eh, timing na engaged si Jeanette kaya si kuya santino bilang close friend niya ay binati siya nang congrats. Tas nung paakyat na kami, bigla ba naman ako'ng tanunging "Ikaw Ma'am Gonser, kelan ka magpapakasal?"

Yung mukha ko na super shocked. 😅 Sagot ko naman, "Wala pa nga ako'ng boyfriend kasal agad?" Tas binalik ni Jeanette sa kanya yung tanong "Eh ikaw kuya kelan ka magpapakasal?" Pero ewan ko paano niya ginawa yung pagbiglang change topic niya para maiwasan niyang sagutin.

Tapos nung nag collect na ako nung mga na-fillupan na forms, tinanong ba naman niya ako kung na sa academe na ba raw ako. Ako namang naguguluhan, sabi ko "Hindi pa." Tas sagot niya "Ahh, andon ka parin pala sa marcela?" Tumango lng ako.

Napag-isipan ko, bat siya nakapagtanong nun?

Is it written all over my face na pang academe yung beauty ko? Hahaha. Pero bat ba niya alam na may plano ako'ng mag academe, eh close friends ko lang may alam nun? Siguro nga open book lang ako at ang bilis mabasa ang mukha. Hahaha.

Anyways, wala akong pake sa mga pa cute2 na ganyan kasi tapos na tayo dyan. Been there, done that! Ayoko na sa unrequited love! Next time I'd love someone, he has to love me first. And also make an effort to prove that his affections are real and his intensions are pure.

Matulog ka na po, may duty ka pa bukas mey gheeeeeddd!

Love,
-Present 21 yr old Self

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now