Simula

35.7K 844 173
                                    

So you wanna be a thief?
Then learn how to deceives

--

Mabilis ang pagtakbo ko bitbit ang suitcase na naglalaman ng malaking halaga ng pera.

"Magnanakaw! Habulin niyo! Habulin niyo!"

Suot ang itim na hood at itim na face mask ay malaya akong nakatatakbo dahil walang makakikita sa hitsura ko.

"Tigil!"

Bumaling ako sa aking likuran at napangisi nang napansin ko siyang humahabol sa akin kasama ang isang matabang babae. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Sige lang, habulin n’yo ako.

Inakyat ko ang hindi kataasang pader at ganoon din naman ang kaniyang ginawa. Naramdaman ko ang paglusot ng isang matabang babae na kasama niya mula sa isang eskinita. Balak ko sana muling tumakbo nang mabilis niyang nahila ang suot ko. Namilog ang aking mga mata.

"Teka—" Nahiklas niya iyong bra ko!

May kamay na humablot sa suitcase na aking dala kaya napatingin ako sa aking likuran.

"Ano? Tatakbo ka pa?" nakangisi niyang tanong bago siya ngumuso sa akin na tila sinasabing, “suntukin mo ako".

Nanggitgit ang mga ngipin ko. Punyeta, Rius! Talagang susuntukin kita! Natanggal iyong hook ng bra ko! Nahiklas pa yata iyong strap! Peste!

"Shit!" mura niya nang isang malutong na suntok ang sumalubong sa kaniyang pisngi.

Mabilis akong tumakbo matapos iyon at muling tinalon ang hindi kataasang pader, hindi niya naman na ako hinabol pa pagkatapos. Nakahinga ako nang maluwag.

"Diyos ko! Hijo, maraming salamat! Maayos ka lang ba?"

Napaikot ako ng mata nang mula rito ay narinig ko ang pagkataranta ng ginang.

"N-Nabalian po yata ako ng buto, madame."

"Diyos ko. Gusto mo bang dalahin kita sa hospital?"

Inis kong inalis ang suot kong hoodie, itim na t-shirt, at pati na rin ang itim na pantalon. Tanging ang itim kong shorts ang natira sa akin bago ako naghanap ng puwedeng mapaglagyan sa paligid. Nakahanap ako ng isang supot malapit sa may basurahan. Kaagad ko iyong kinuha at isinilid ang mga damit ko roon.

"Kahit pampagamot na lang po sana. T-Tawagan ko na lang po ang asawa ko."

"Are you sure, hijo? Paano kung—"

"Madame! Madame! Nandito na ako! Nasaan ang magnanakaw? Nakatawag na ako ng pulis, madame!"

Kaagad akong napaayos ng tayo nang nakarinig ako ng mga kaluskos sa paligid. Isang pamilyar na uniporme ng pulis ang bumungad sa akin kaya nagmadali akong naghanap ng mapagtataguan.

"Ikaw!"

Napahinto ako at napahawak sa aking dibdib dahil kaunti na lang talaga ay malalaglag na ang bra ko! Peste ka, Rius!

"A-Ako?" Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran kung saan nakatutok sa akin ang baril ng pulis.

"Itaas ang dalawang kamay!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at naramdaman ang pagdausdos ng bra na aking suot.

Ano siya sinusuwerte?

"A-Ano? H-Hindi puwede! May malalaglag!"

"Talagang sumasagot ka pa?"

"Nahuli mo na ba siya, Chief?" Lumabas ang matabang babae sa gilid nito. "Naku, Chief. Hindi siya ang magnanakaw. Nakaputing pants 'yon at naka-hood."

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora