Kabanata 19

9.5K 296 26
                                    

"Kagabi ka pa tahimik. May problema ba?"

Huminto ako sa paglalakad papunta sa paradahan ng jeep at napaangat ng tingin kay Rius. Nakita ko ang pagtataka at pag-aalala sa kaniyang mga mata. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag.

"Rius pa'no kung...pa'no kung sabihin ko na okay lang sa 'kin kahit bumalik ka sa mga Costillano?" Gumuhit ang gulat sa kaniyang mga mata. "Babalik ka ba?"

Tumikhim siya at kaagad na umiwas ng tingin sa akin. "Bakit mo biglang natanong? Akala ko ba..."

"We need Rius, Lucy. At alam kong ikaw lang ang makakakumbinsi sa kaniya."

Humugot ako ng hangin nang naalala ko ang sinabi ni Kuya Horris. Nagpatuloy ako sa paglalakad, ramdam ko naman ang pagsabay niya sa akin.

"Wala, naisip ko lang naman. Gusto mo bang bumalik? Hindi naman kita pipigilan. Sabihin mo lang sa 'kin, maiintindahan ko." Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Yumuko at lumebel siya sa akin bago niya ikinulong ang dalawa kong pisngi sa kaniyang mga palad.

"Ano'ng nakain mo?"

Tumawa ako at tinapik ang kaniyang kamay. "Pinakbet? Ikaw pa nga nagluto kanina, 'di ba?" biro ko, ngunit hindi siya natawa roon.

Nanatiling seryoso ang tingin niya sa akin. "Lucy, kung napipilitan ka lang hindi ko—"

"Hindi mo palaging kailangang isipin ang mga bagay na gusto ko kung hindi mo naman gusto. Maiintindihan kita, Rius. At saka wala naman sigurong masama kung bumalik ka. Ayaw mo n'on? Babalik sa dati 'yong buhay mo? At saka balak ko na rin mag-quit sa trabaho...officially. Nandito na ang papa ko para tulungan akong suportahan ang mga kapatid ko, at ikaw, gawin mo rin kung ano talaga ang gusto mo. Maiintindihan ko. Hindi ako magagalit, Rius." Ramdam kong hindi siya kombinsido sa sinabi ko dahil nakikita ko ang pangamba sa kaniyang mga mata. "Hindi mo naman ako iiwan kapag bumalik ka sa dati mong buhay...'di ba?"

Marahan siyang ngumiti at hinaplos ang aking pisngi. "Bakit mo naisip 'yan? Hindi 'yon mangyayari."

Ngumiti ako nang mapait at hinawakan ang kaniyang kamay.

Sana nga, Rius.

Sana nga.

Naghiwalay kami ng landas nang bumaba ako sa jeep. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang training niya sa MIU, kaya hindi muna kami magkasabay pumasok sa university.

Papasok pa lang ako sa gate nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa aking likuran at napangiti nang nakita ko ang pigura ni Khalel.

"O, bati na tayo?" bungad ko.

"Huh?"

Humagikgik ako at tinapik ang kaniyang balikat. Suot-suot pa rin niya ang malaki niyang salamin.

"Ikaw kasi, ang tagal mong hindi ako pinansin."

Nahihiya siyang tumingin sa akin. "P-Pasensiya na. B-Baka kasi magalit sa akin iyong boyfriend mo kapag nilapitan kita. Parang laging bubuga ng apoy kapag lalapitan kita e."

"Sus. Hindi iyon, ako'ng bahala kapag tinangka ka niyang bugbugin. Kumusta ka na?" Magkasabay kami ni Khalel na pumasok sa tarangkahan, nag-usap din kami at nagkamustahan nang kaunti pagkatapos ay naghiwalay rin kami ng landas.

"Kumusta?" bungad sa akin ni Lenarie nang nakapasok ako sa silid-aralan.

Nagkibit-balikat ako. "Okay lang."

"Stay strong pa rin?"

Bumaling ako sa kaniya at tumaas ang kilay.

"Kayo ni Rius."

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon