Kabanata 2

14K 416 54
                                    

Ang malakas na tugtog ang sumalubong sa amin ni Rius nang nakapasok kami sa loob ng bar. Hindi ko alam kung bakit sa lugar na ito pa nila napagdesisyunan na magkita gayong maingay ang paligid.

Umakyat kami sa second floor dahil naroon ang VIP room na kinuha ng mga Villason para sa meeting na gaganapin. Bago pa kami tuluyang makapasok sa loob ay may dalawang lalaki na kaagad ang humarang sa amin ni Rius.

"Mr. and Mrs. Gerja?" tanong ng isa sa mga ito.

"Yes. We're going to meet Mr. and Mrs. Villason. May we excuse?" si Rius na ang nagsalita para sa aming dalawa. Tumango naman ang dalawang lalaki at ipinagbukas pa kami ng pintuan.

Bumungad sa amin ang isang malawak na silid, hindi ganoon kadilim ang liwanag kaya malaya kong nakikita nang buo. Sa gitna ay napansin ko ang bilugang lamesa at ang paikot ding sofa sa tigkabilang gilid. Napangisi ako nang natagpuan doon ang pakay namin ni Rius.

"Mr. and Mrs. Villason!" Naagaw namin ang atensyon ng mag-asawa sa pagbati ko. Tumayo ang mga ito at lumapit sa amin.

"Oh, hi! You must be Mr. and Mrs. Gerja? It's nice meeting the both of you." Nakipag-beso si Mrs. Villason sa aming dalawa ni Rius, habang nakipagkamay naman kami kay Mr. Villason.

"Take a sit." Inilahad sa amin ni Mr. Villason ang katapat na sofa kaya umupo kami roon ni Rius, eksakto naman ang pagdating ng inumin sa aming harapan at ang iilang pagkain. Ang labo naman! Sana sa restaurant na lang sila nakipagkita, hindi sa bar.

"So, we haven't heard your surnames that well, but then someone offered us that it was nice to invest in your company. You're owning five-star hotels and a modeling agency, right? I even heard that your main branch is located in Russia which is very popular." 

Hilaw akong tumawa sa tinuran ni Mrs. Villason. Parang pinagpawisan ako bigla. Hindi ko akalain na ganito kabigatin ang mga Gerja. Sana all. Maigi na lang magaling ako sa memorization!

We talked a lot, mostly ay tungkol lang naman sa negosyo ng tigkabilang panig. May mga pagkakataon na si Rius ang nagsasalita sa aming dalawa. According to Ate Vida, transaction ang magaganap ngayon dahil buo na ang desisyon ng mga Villason na mag-invest sa mga Gerja. What we needed to do was to convince them more, hype what the Gerja could offer to expand their business; shares and benefits, etc.

Mahigit isang oras din siguro iyon bago ko naisip na dumako na sa aming pakay. Hindi kami puwedeng manatili rito nang matagal dahil baka dumating na ang totoong mga Gerja.

"Everything sounds interesting. Kailan n'yo ba balak mag-invest kung ganoon?" tanong ko. Kumuha ako ng inumin at sumimsim doon. Wala naman siguro itong lason, I've heard that the Villasons are good people, ang Gerja lang naman ang may sabit.

"Ngayon na sana." Nasamid ako nang biglang maglabas si Mr. Villason ng cheque sa aming harapan. Heaven! "We want a good partnership, and I want our investment to help our business to grow more."

"We'll surely grant your wish, Mr. Villason." Nakangising kinuha ni Rius iyon kaya lumapit ako sa kaniya upang iyon ay tingnan. Nasamid ako at halos malaglag ang panga nang nakita ko ang halaga ng pera na gusto nilang i-invest.

It's freaking seven digits! 

"We're also going to invest some of our items and products for the business to run globally. Sapat naman na siguro ang halaga na 'yan para ro'n," si Mr. Villason. Ano'ng sapat? Sobra pa nga ito!

"Makakaasa kayo, Mr. and Mrs. Villason," wika ni Rius bago siya sa akin tumingin.

Napakurap-kurap ako at mabilis na ininom ang drinks na hawak, ngunit sa sobrang pagmamadali ay nasagi ko ang prosthetic ko sa ilong. Tumabingi iyon! Nataranta na lang ako sa sumunod na nangyari.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now