Kabanata 28

8.7K 272 81
                                    

Five years. Five years have passed without him. Five years have passed since the time I've seen him. Kung hindi kay Anna ay kay Isaac ako nakasasagap ng balita sa kaniya noong nasa Italy ako. Nakaya ko siyang iwanan para sa ikabubuti naming dalawa, ngunit sa totoo lamang ay hindi lumipas ang isang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko.

Palagi akong nagtatanong sa kawalan kung kumusta na kaya siya? Galit pa rin ba siya sa akin? Kumakain ba siya sa tamang oras?

Madaling sabihin na kaya ko siyang pakawalan, na ayos lang kung sakaling makahanap siya ng iba dahil iyon naman talaga ang gusto ko, subaliit sinungaling ako kung sasabihin kong wala lang iyon sa akin dahil sa loob-loob ko ay gusto ko talagang bumalik sa kaniya. Humingi ng tawad sa pag-alis ko nang hindi ko man lang siya tinatanong kung kaya niya ba nang wala ako.

Tanga. Ako iyon, kahit pa sabihin kong kinailangan ko siyang iwanan para sa maraming dahilan, alam kong ang tanga ko sa parte na iniwan ko siya imbis na hayaan ko siya na damayan namin ang isa't isa. Akala ko sa pagitan naming dalawa ako iyong unang makalilimot, ngunit hindi ko ginawa dahil sa pagdating ni Ruiz. Umasa ako na baka naman, sakaling bumalik ako handa pa rin niya akong tanggapin; mabubuo ang pamilya namin, at mapapatawad niya ako, ngunit siya pala itong unang nakalimot.

It makes me laugh to remember the first time Anna told me he has a girlfriend. Hindi dahil sa tuwa kung hindi dahil hanggang ngayon ang gusto ko pa rin ang sinunod niya. I told him that someday he would meet someone who would love him more than I could do, and he did.

Sa dalawang taon mula noong nakipaghiwalay ako, nakahanap kaagad siya ng iba. Gusto kong isipin na baka naman panakip butas niya lang iyon upang kalimutan ako. But three years later, they're still together, and now they're getting married.

Hanggang kailan ako magsisisi sa mga desisyon ko na inakala kong tama, ngunit napunta rin naman sa maling akala?

"Mommy, are you okay?"

Sumandal ako gilid ng pader sa aking kanang bahagi, sinusuportahan ang mga tuhod kong tila gulaman dahil sa panlalambot.

Nasaktan din naman ako noong iniwan ko siya, gayunpaman mas masakit pala na makita nang harap-harapan na hindi na ako...dahil mayroon na siyang iba.

Parang minamartilyo ang dibdib ko hanggang sa naghalu-halo na ang emosyon na nabubuo mula roon. Sakit, iritasyon, at iba pang klase ng emosyon na hindi ko maipaliwanag.

Sakit dahil alam kong totoo ang nakita ko; iritasyon dahil hindi ko matanggap na umakto siya na parang hindi niya ako kilala, gayong kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano kami nagkakatitigan. He acted like he didn't see me, pagkatapos pagbaling niya sa babae na iyon ngingiti siya na abot hanggang tainga? Ano, nagpapaka-bitter siya?

Ang kapal ng mukha niya! Porke't may iba na siya, hindi niya na ako papansinin? Bakit, famous na siya? Huh! Kung makatingin siya parang hindi siya nagmakaawa noon na anuhin ako a!

"Mommy..." 

Bumalik ko sa ulirat nang bigla kong napansin si Ruiz na nasa harapan ko na pala. Umayos ako ng tayo at kinuha ang kamay ng anak ko. "A-Ayos lang si Mommy. Puntahan na natin si Uncle Ethos."

Naging tahimik ang biyahe namin pauwi. Nagpasalamat na lamang ako dahil nandiyan si Ethos na siyang kinukulit ni Ruiz, wala pa naman ako ganang magsalita dahil baka sumabog lang ako sa sobrang inis.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now