Kabanata 34

9.1K 266 27
                                    

“S-Siya ang mama mo?” Pinagmasdan ko ang babaeng kasama ni Ysabelle na ngayon ay hindi maipinta ang reaksiyon.

“Yes. May... problema ba?” si Ysabelle nang medyo napansin ang namumuong tensiyon sa pagitan namin ng babaeng kasama siya.

Suminghap ako at wala sa sariling tumawa nang pagak bago umiling. This isn’t a joke, Ysabelle’s mom is actually my biological mother. Napakaliit nga naman ng mundo.

“Wow. I can’t believe this. Excuse me.”

“L-Lucy, sandali.”

Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Mama. Madali ko silang nilampasan dahil nagsisimula nang manikip ang dibdib ko.

How dare she showed herself to me? Matapos niya kaming iwanan makikita ko siya rito bilang nanay ni Ysabelle? Oo nga naman, mayaman ang pamilya ni Ysabelle. Kaya hindi na ako magtataka na pinili niya ang ibang pamilya kaysa sa aming mga anak niya. Ang kapal ng mukha niya na magpakasasa sa pera, habang kaming mga anak niya naatim niya pabayaan sa putikan! Nang dahil lang sa pera?

“Lucy! Lucy, sandali mag-usap tayo!” Mabilis niyang hinablot ang braso ko, ngunit sa sobrang panginginig sa galit at sa mga nagbabadyang luha sa mga mata ay nagawa ko iyong pabalang na alisin.

“H'wag,” matalim ko siyang tiningnan, “na h'wag n’yo akong hahawakan!”

Muli ko siyang tinalikuran, walang pakialam sa kung ano’ng emosyon ang natagpuan ko sa kaniyang mga mata kanina.

Ano’ng karapatan niya na masaktan gayong pinabayaan niya kami? Mas pinili niyang magpakasasa kasama ng bago niyang asawa kaysa sa aming mga anak niya, kaya ano’ng karapatan niyang masaktan? Wala! Wala siyang karapatan!

Kasalanan niya kung bakit naghirap kami noon! Kasalanan niya kung bakit ako napilitan gumawa ng bagay na hindi naman dapat dahil pinabayaan niya kami!

Tinakpan ko ang aking bibig nang walang pasubaling kumawala ang mga hikbi ko ro’n.

Sampung taon. Sampung taon na simula noong iniwan niya kami. Akala ko tuluyan kong maibabaon sa limot ang sakit na iniwan niya matapos niya kaming iwan, ngunit nagkamali ako. Mas matatanggap ko pa kung sa ibang pamilya siya sumama, pero sa pamilya ni Ysabelle na fiancee ni Rius? Sa pamilya ng Pajares?

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko sa kagustuhan kong makaalis sa lugar na iyon. Namalayan ko na lamang ang sarili ko na sumakay sa taxi at hindi na nag-abala pa na hintayin ang sundo ni Rius. I don’t want to see him. I don’t want to see anyone that’s related to Ysabelle. Parang sasabog lang ang dibdib ko. Hindi ko matatanggap na ikakasal si Rius sa babaeng iyon matapos kong malaman na mas pinili ni Mama ang pamilya na iyon kaysa sa amin ng mga kapatid ko.  

Paulit-ulit akong sinusulyapan ng taxi driver habang walang humpay ang mga hikbi ko. Pinahinto ko ang taxi driver sa pinakamalapit sa isang bar dito sa may Taguig. Sarado pa kasi nang ganitong oras ang mga exclusive bar kaya para mahimasmasan kahit papaano ay dito ko napiling huminto. Ayaw kong mapugpog ng tanong mula sa mga kapatid ko, pati na rin kay Ruiz kapag nakita nila na ganito ang hitsura ko.

“What’s your order, ma’am?” Lumapit sa akin ang isang waiter.

Sinabi ko sa waiter ang order ko bago ako humugot ng malalim na hininga. Hinaplos ko ang akin mukha kung saan natuyo ang mga luha roon. Abala ako sa paghihintay nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa tote bag na dala. Nawalan ako ng interes nang nakita ko ang pangalan ni Rius.

Hindi ko iyon sinagot at mainam na pinatay ang cellphone sakaling tumawag siyang muli. Gusto ko munang magpalubag ng sama ng loob at kalimutan pansamantala ang nangyari.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon